Chapter 2:

8.4K 245 85
                                    

"Hala. Sorry po. Sorry po." Paghingi ko ng paumanhin sakaniya.

Parang yung totoong nanay ko lang. Namatay din siya fifteen years ago pero, something bothers me talaga. May kinalaman siya sa totoo kong nanay. At may kutob akong kilala niya yon.

"No need to say sorry. Ngayon ko lang nailabas lahat ng hinanakit ko simula nang mamatay siya." Napakunot naman bigla yung noo ko nung sinabi niya yon.

"Bakit naman po ngayon lang? E, diba, fifteen years ago pa yon?" Pinunasan niya ang luha niya at tinitigan lang ulit ako.

Natahimik kami sa loob siguro ng ilang minuto.

"Sa mga shinigami kasi bawal magpakita ng kahinaan. Kailangan sa lahat ng pagkakataon, matapang ka. Pero, nung dumating ang oras na nalaman kong namatay na siya, hindi ko mailabas yung sakit at lungkot e. Maaaring makita ako ng kapwa ko at baka saktan pa nila ako." Malungkot na saad niya.

I heave out a big sigh.

Para bang naawa tuloy ako sakaniya. Sa hindi malamang dahilan, niyakap ko siya. Ramdam ko na nagulat siya maski ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin at niyakap ko siya.

"T-Tahan ka na po." Siguro kasi pareho kaming shinigami? Ewan. Naaawa lang talaga ako sakaniya.

Pero ang mas ikinagulat ko ay nung niyakap niya ako pabalik atsaka siya nag-iiyak sa balikat ko. Rinig na rinig ko ang pagka-manly ng mga hikbi niya.

Naramdaman ko ring medyo humihigpit yung yakap niya.

Ayos lang naman e. As long as nailalabas niya yung sakit. Para ma-comfort siya, hinaplos haplos ko ang likod niya.

Pero, ang mas hindi ko inaasahan ay ang mga sumunod na sinabi niya.

"Miss na miss ko na siya." Bulong niya.

"Sino po ba siya? Anong pangalan niya?" Tanong ko.

"Rielle. Rielle ang pangalan niya." Mahinahong sagot niya kahit pa humihikbi-hikbi pa siya.

Teka lang, seriously speaking, narinig ko na ang pangalang yon ah. Rielle.... Hmmm.... Rielle. Sino si Rielle---Oh my god!

Kumalas agad ako sa yakap at nakita ko ang basang basang mukha niya.

"S-Sino ka?!" Mariing tanong ko sakaniya.

Pinunasan niyang muli ang mga luha niya.

"My name's Kid."

"B-Bakit kilala mo si Mama?!" Paano... Paano niya nakilala si Mama?

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Mama?! Anong ibig mong sabihin, ha?" Tanong niya.

"A-Anak niya ako." Simpleng sagot ko

"Anong-! May... May anak siya?!" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako.

"Paanong.... Paanong nangyari?!"

"Ewan ko lang po kung alam mo na pero, base po sa kwento sa akin ni Papa---" Naputol ang sasabihin ko ng siya ang magsalita.

"Papa? Sinong Papa mo?"

"Ang kasalukuyang president po ng Senshin Tribe." Sagot ko.

"TATAY MO SI HIDEO?!"

"O-Opo. B-Bakit?"

"Wala." Saad niya.

"So, hindi ka kasama nung Haruka nung nangyari ang war fifteen years ago?" Tanong ko.

"Hindi. Nakikipaglaban ako noong mga oras na yon. Wala ako sa shinigami base nasa Tantei High ako at nakikipaglaban." Mas dumami pa ang tanong sa isip ko. Pero, alam kong hindi ito ang tamang panahon para malaman ko lahat ng sagot.

"Kilala mo si Darw---Seiji?" Tanong ko

"Mmm. Siya ang anak ni Haruka, hindi ba?" Tumango naman ako. "Bakit?"

"Wala naman po. Ah. Sige po, aalis na lang po muna ako. Siguro, magkikita po ulit tayo. Haha. SIGURO lang naman po." Pagpapaalam ko.

"Sige. Mag-ingat ka. Sabi na nga ba't may koneksyon ka kay Rielle. Kamukhang-kamukha mo kasi siya." Nakangiting sabi niya.

Napangiti rin ako sa sinabi niya.

Muli kaming nagpaalam sa isa't-isa at saka naghiwalay ng landas.

Ipinikit ko ang mga mata ko at binuksan kong muli ang black dimension at inisip ko ang itsura ng eskinitang pinasukan ko kanina.

Iminulat ko ang mata ko at nakita kong nagbukas na ito. Lumabas ako at nandito na ulit ako sa eskinitang pinasukan ko kanina.

Ngayon, may napatunayan ako sa sarili ko. Napatunayan kong hindi lahat ng shinigami ay masama.

Tumakbo ako pabalik ng daang tinakbo ko kanina. Mukhang hindi ako nasundan nina Akane ah.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makita ko sila di kalayuan sa akin.

Lumapit ako sakanila at nagreklamo.

"Hoy! Bakit naman hindi niyo ako sinundan?! Hiningal tuloy ak----Sino siya?!" Naputol ang pagrereklamo ko nang mapansin kong may kinorner silang babae.

Mahaba ang brown niyang buhok at maputi ang makinis niyang balat. Mukhang.... Mukhang humdrum. Pero, bakit nila kausap?

'She knew us.' Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Hiro sa isip ko. Ewan ko ba hindi pa rin ako masanay-sanay sa boses niya.

'What do you mean?' Tanong ko sa isip niya.

After ilang seconds, nag-intay ako sa isasagot niya pero wala nang boses na nagsalita sa isip ko.

"Let's just go. We have more cases to---" Pinutol ko ang sasabihin ni Hiro.

'Don't say it! May kasama tayong humdrum!' Napapikit naman siya. Nako. Napalakas ata ang pagpigil ko.

"Oh? Anong nangyari sayo, Hiro?" Napansin ata ni Akane ang pagpikit ni Hiro. Lumapit ako at bumulong kay Akane habang nagsimula na kaming maglakad.

"Narindi ata sa sigaw ko gamit ang inner voice."

"Haha. Ikaw kasi e." Sabay sundot niya sa tagiliran ko.

Inismid ko nalang siya at lumapit kay Hiro.

"Sorry." I whispered.

"It's okay." Sabi niya.

Maya-maya pa, tumigil kami sa tapat ng isang pink apartment.

Okay, anong meron?

'Just follow us.' Narinig ko na naman ang boses ni Hiro sa isip ko. Buti nga at hindi ako napatalon sa gulat.

Napatingin ako sakaniya pero siya ay nakatingin lang dun sa babaeng nag-lead sa amin.

Bakit kami nakasunod sakaniya? Bakit niya kami kilala? Hmm..

Now, I'm confused. Hah.

***

The Atama EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon