Chapter 26:

3.8K 133 143
                                    

HOLAAA! A LONG UPDATE FOR THE LATE CHRISTMAS CELEBRATION OF THE ATAMA EFFECT!! HAPPY NEW YEAR, EVERYONE!

———

Mabilis na dumaan ang 3 araw, at mamayang gabi ay Christmas Eve na.

Katulad last year ay mayroon ulit na holographic snows na bumabagsak sa lupa. But unlike last year, white Christmas ang tema namin, so we are advised to dress with white clothes, white dress or top and bottom for the girls while boys are insisted to wear black and white or navy blue and cream white clothes. And the exciting part is.. unlike last year na hiwa-hiwalay kaming anim noong Christmas this time, kumpleto kami! Reiji and Riye's family are the one who visited them here at school dahil aware sila sa aming mission.

"Akemi, what will you wear later?" Excited na tanong ni Akane sa akin.

Tinawanan ko siya ng mahina, "ikaw ba?"

Nagsukatan kami ng tingin saka sabay na nagsalita, "Secret!" then we both chuckled heartily.

Nagpaalam siya na mag-aayos lang muna ng gamit niya dahil sa loob ng 3 araw bago sumapit ang Christmas Eve, tinamad daw siyang mag-impake ng gamit. Kahit ano namang pilit namin ni Riye ay hindi siya kumikilos, e. At himala na ngayon siya sinipag.

Nagpaalam din akong pupuntahan ko lang si Papa sa office niya para kumustahin at hingin ang oras niya mamaya. Nginitian ako ni Akane at saka tinapik ang balikat ko. Nagkibit-balikat ako sa move na ginawa niya. I waved at her goodbye for a while saka nagderetso sa plaza.

Actually, what I said was only an alibi dahil balak kong dagdagan ang mga regalo ko sakanila. I just can't seem to be contented sa maibibigay ko sakanila so I'll add something. Pero pwede ding after nitong aking late shopping spree ay magderetso nga ako kay Papa at gawin ang sinabi ko kanina. Ayoko kasing nagsisinungaling..

Pagdating ko sa plaza, pumili ako ng mga bagay na sa tingin ko ay magugustuhan nila.

Si Darwin kaya? Ano kayang pupwedeng iregalo don sa lalaking 'yon? Hindi ko naman alam kung saan sila nags-stay ngayon, e.

Ay teka, may nakita akong t-shirt sa isang booth doon. Titignan ko nalang kung anong bagay kay Darwin. Bitbit ang iba pang regalo sa mga kaibigan ko at taong malalapit sa akin (hindi pa nababayaran hehe~), nagtungo ako sa booth na sinasabi ko.

Nang makarating ako sa isang booth, I scanned the shirts. May isang nakaagaw ng pansin ko dahil sa tatak ng t-shirt nito. Pero hindi naman ito bagay kay Darwin.

Naghalungkat pa ako ng shirt na maaaring mairegalo ko kay Darwin. Teka, itong isang to! Kinuha ko yung natipuhan kong shirt. Bagay na bagay to ka—











"Uy, Rainie! Ano yan?"


Nabitawan ko ang lahat ng mga hawak kong panregalo dahil sa boses na sumulpot sa likuran ko. Gosh! Nagulat ako!!





Teka... Rainie?



Patay.




Umikot ako at hinarap siya. Hindi ko muna pinansin ang mga nabitawan kong mga panregalo. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya, "Ah.. Uy! A-Anong ginagawa mo.. d-dito?"

Hinigpitan ko ang pagkakasara ng utak ko para hindi niya malaman na sobrang natataranta na ako!!!

Narinig ko ang pagtawa niya, "Why do you look so surprised?" Sabay turo niya sa mga mata ko.

Itinapat niya ang mga palad niya sa may dibdib ko kaya napatakip kaagad ako ng dibdib. Hanubayannnn. Alam kong wala ako no'n pero wag naman ipamukha.

The Atama EffectWhere stories live. Discover now