Chapter 22:

4.3K 126 27
                                    

I've been very inactive. Kaloka pala maging Grade 9 huhuhu.

Anyways, HAPPY 23+K reads! Thankyouuuu♥ enjoy the update!

***

"Time to solve another case, Atama." Bigla akong nakaramdam ng excitement sa sinabi ni Sir Hayate! Wootwoot!

Biglang tumunog ang phone ni Sir Hayate kaya nag-excuse siya sa amin para sagutin yung tawag at saka lumabas ng agency.

Nagkatinginan kaming anim nila Akane nang biglang tumayo si Ken nang seryoso ang mukha.

Uh..kay?

Nagulat kami noong hinila niya patayo si Reiji t Hiro saka inakbayan at nagtatatalon. Si Reiji, takang-taka ang mukha pero si Hiro, expressionless lang.. dahil panigurado, alam niya na kung bakit ganyan si Ken.

"WOOHOOOO! NAMISS KO TO!! CASE! CASE! CASEEEE! YEAAAAAHHH!" Ligayang-ligayang sabi ni Ken.

'He's exaggerating.'

Rinig kong komento ni Akane sa isip ko. Napatawa naman ako doon.

"Excited lang ako, Akane!" Sabi ni Ken habang umaaktong kunwari nagtatampo, "Grabe ka naman huhu. Hindi mo ba namiss ang pagsolve ng cases?!"

"Easy, smelly boy! Hahahahaha!" Hagalpak ni Akane. "Sakto lang. Hindi katulad mong halos magpa-fiesta na kasi nagkaroon ng bagong case!"

Tumigil bigla sa pagtalon-talon si Ken kasabay nang pagtigil din ni Hiro at Reiji na parang pagod na pagod sa pagtalong ginawa nila.

"She's scared we might lose Akemi.. again." Napalingon kaming lahat sa sinabi ni Hiro. Kitang kita ko ang paniningkit ng mga nata ni Ken habang tinititigan ang buong mukha ni Hiro. Naramdaman ko naman na biglang nag-stiff sina Akane at Riye habang si Reiji at Hiro expressionless ang mukha.

Walang ni isa ang kumibo sa amin. Bigla tuloy akong napayuko. Hindi sila naeexcite sa pagsolve ng case kasi inaalala nila ako? Natouch ako sa pag-aalala nila and at the same time, nalungkot kasi ba't ganon? Lumalabas na ako ang dahilan kaya hindi sila naeexcite sa bagong case..

"Nee-san, no." Napatunghay ako sa sinabi ni Riye at nakita kong nakatingin na silang lima sa akin na nag-aalala ang mukha.

"Hindi yun yon, Akemi. Ayaw lang namin na mapahamak ka.." Malumanay na sabi ni Akane.

Fudge. Bukas ba ang isip ko?

'Yes.'

Rinig kong sagot ni Hiro sa isip ko. Kaagad kong isinara ang isip ko at ngumiti sakanila.

"Tara na. Solve na natin ting case na to." Sabi ko habang nakangiti sakanila. "Wag niyo na akong alalahanin." Sabay kindat ko kay Akane.

Napalingon kami sa pintuan ng creepy hallway at iniluwa non si Sir Hayate na mukhang kakatapos lang ng pakikipag-usap sa tumawag.

Pumunta siya sa table niya at may kinuha saka lumapit sa amin na nakaupo sa may sofa. Ibinagsak niya sa coffee table ng agency ang isang folder.

"Sir?" Sabi ni Akane saka kinuha yung folder at binuksan para basahin. Makikiusyoso na sana ako nang magsalita ulit si Sir Hayate.

"Hindi lang yan basta case, Atama." Sambit niya. "Mission yan."

Pagkasabi noon ni Sir, ibinaba kaagad ni Akane yung folder at sabay sabay kaming napatingin kay Sir na gulat sa sinabi niya.

"P-Po?" React ni Ken.

"Yes. You heard it right." Ngiti niya sa amin. "Napag-usapan namin nina Mr. President pati na nina Reina at Hiroshi na ibigay sainyo ang pinakauna niyong mission. Napagkasunduan din namin na ito ang magsisilbing training background niyo para pagtapak niyong lahat ng 18, sasabak na kayo sa mas mapanganib na mga mission."

The Atama EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon