Chapter 18

49.4K 1.9K 496
                                    

Chapter 18

"Sorry," sabi ko kay Leo nang bumitaw ako sa yakap.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Tumango ako habang nagpupunas ng luha. I tried to smile at him, but that smile was quick to disappear. I didn't know why I even bothered to lie to him gayong alam naman niya iyong sitwasyon sa bahay at sa pamilya namin. But I just didn't feel comfortable talking about this with him—nandyan na si Therese. Of course as her husband, he'll take her side.

"Sigurado ka?"

"Yes," sagot ko sa kanya. Huminga ako nang malalim. "Pwede favor?" I asked.

"Ano?"

"Naiwan ko kasi gamit ko. Pupunta ka naman sa bahay, 'di ba?" I asked and he gave me a small nod. "Pasabi naman kay Papa na hintayin ko siya sa may tindahan 'dun sa kabilang kanto. Padala na lang nung gamit ko kamo."

"Maglalakad ka magisa?" he asked. I nodded. "Gabi na."

"So? 'Di naman ako maliligaw," sabi ko sa kanya.

"Delikado na."

"Dito ako lumaki."

"Pero sa Maynila ka na nakatira—ang dami ng nagbago dito. Hindi na safe kagaya dati."

Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may iba pa siyang ibig sabihin doon, but I consciously chose to gloss over it. I was done with Leo. What I was not done with was the fact that people were not done talking about how I was not done with him. Paano ako makakaalis doon kung palagi nila akong hinahatak pabalik para alalahanin?

This was one of the times that I wished that my family would be one of those who just sweeps things under the rug—hindi kagaya nito na lahat gustong pagusapan kahit hindi naman na dapat pagusapan.

Umiling ako. "No, I'll be fine," sabi ko sa kanya. "Pumunta ka na 'dun."

Hindi gumalaw si Leo. Nakatingin lang siya sa akin. Napabuntung-hininga ako. Palagi na lang ganito kapag pumupunta ako sa Bataan... yet I always found myself ending in the exact same situation. Para akong bata na hindi natututo sa mga pagkakamali na nagawa ko.

"Baka may makakita pa sa atin," I said.

"Ano naman?"

"Gusto mong magaway kayo lalo ni Therese?" I asked and there was a recognition on his face na para bang natumbok ko iyong dahilan ng pagaaway nilang dalawa. I looked up and groaned because this was honestly so fucking frustrating. Like why would no one believe me na naka-move on na ako kay Leo?! Did they think na he has a magic dick na tipong hindi ko malilimutan at hahanap-hanapin ko hanggang sa mamatay ako?

"Seriously? Bakit niyo ako pinagaawayan?"

"Hindi ka namin pinagaawayan," he said.

"So bakit nasa bahay siya nila Mama instead na sa kung saan man kayong dalawa nakatira?" I asked dahil hindi ko alam kung ano ang ganap sa kanilang dalawa dahil nga wala akong pakielam. Bakit ba hindi ma-gets 'to ng kamaganak namin? Na may buhay ako sa Manila at busy ako para isipin pa silang dalawa?

Naghintay ako pero hindi nagsalita si Leo.

I shrugged. "Suit yourself," sabi ko sa kanya. Nagsimula na akong maglakad nang marinig ko iyong boses niya. I didn't stop walking, but I slowed down.

"Sabihin ko kay Papa," he said.

"Thank you."

"Problemang magasawa," he said na para bang explanation niya iyon kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin. I mean, gets ko naman. Pero kung ano ang pinagaawayan nila, hindi ba dapat ko ring malaman?

All For Show (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon