Chapter 25

55.7K 1.7K 198
                                    

Chapter 25

Things with Pablo had been great that it was actually scary.

"Stop overthinking," Jana said.

"I am not."

"You are," she replied. "Things are good. Accept it. 'Wag mong i-manifest na may dumating na asungot at baka biglang magparamdam iyong kapatid mo."

I rolled my eyes. "Bakit naman siya magpaparamdam? Naka-block na kaya siya sa akin."

She shrugged. "Who knows? Alam mo naman may pagka-maligno 'yang kapatid mo. Biruin mo naagaw nga si Leo noon na wala kang kamalay-malay. 'Di mo alam naglalandian na pala iyong dalawa."

Napailing na lang ako sa kanya. Looking back, things really did happen for a reason. Akala ko talaga katapusan na ng mundo ko nung malaman ko iyong tungkol sa kanila. That shit hurt so badly na napaalis ako sa probinsya namin. I tried to date again but things just never felt quite right.

Until Pablo.

Iyon bang sobrang tama sa pakiramdam na mapapasabi ka na lang na 'Ah... Kaya pala nangyari iyong dati kasi may ganito na dadating.' Pero nakakairita rin isipin kapag ganyan kasi parang naa-absolve iyong kapatid ko sa ginawa niya sa akin. But then again, I didn't want to carry that shit with me anymore. Masaya na ako—sana sila rin, to be honest. Para hindi na rin ako bwisitin ni Therese. Siguro naman kapag masaya na siya hindi niya na ako guguluhin.

"So, ano nga? May label na ba kayo?"

"I don't know. We didn't really discuss it."

"Ate girl, sa condo ka niya natutulog lagi, wala pa rin kayong label?!"

I shrugged. "It's just weird to discuss!"

"Ano'ng weird don?" she asked, sounding exasperated. "Tanungin mo siya if boyfriend mo na ba siya. Kasi mas awkward if ipapakilala mo siya sa ibang tao. Ano ang sasabihin mo? This is Pablo, my special friend. 'Di ba mas mukhang tanga kayong dalawa e ang tatanda niyo na?"

Inirapan ko lang si Jana kaya mas lalo siyang nabwisit sa akin. Nagsimula siyang magsermon ay ininom ko lang iyong kape ko. Parang machine gun minsan iyong bibig niya sa dami ng gusto niyang sabihin. Ako naman ay natuto na kung paano siya i-tune out kapag ganito na non-stop iyong lumalabas sa bibig niya.

"Nakikinig ka ba?"

"Yes, yes," sabi ko. "And yes, I will have the conversation."

"Good. And text me right after."

"I know. You're weirdly invested in this."

"Bored kasi ako."

"Awayin mo boyfriend mo kung bored ka."

After namin magkape ni Jana, umuwi muna ako sa condo ko for a change. Doon kasi ako natutulog sa condo ni Pablo. Bumabalik pa rin ako dito kasi nandito iyong mga damit ko. Bale doon lang ako natutulog tapos ihahatid niya ako sa umaga and dito pa rin ako naliligo and nagaayos. I'll drive myself to the office and then go home. He'll pick me up at around 8PM (usually tapos na siyang magluto niyan kaya pagdating ko sa condo niya, kakain na lang kami). We'll watch Netflix, fool around, I'll fall asleep at around 12 midnight. He said he leaves me sa condo niya to go check on his bar. Basta pagkagising ko, katabi ko na siya.

Our setup was working so far.

It was actually pretty great if I were being honest.

'What time will I pick you up?'

Was it weird na sa IG pa rin kami naguusap? Wala lang. Kinikilig kasi ako sa fact na gumawa siya ng IG account para sa akin. Mas feel ko na roon kami magusap kahit alam ko na iyong number niya.

All For Show (COMPLETED)Where stories live. Discover now