Chapter 29

46K 1.6K 242
                                    

Chapter 29

Pablo had to go back to Manila for some reason. I tried to listen when he was explaining kung bakit kailangan niyang umalis, but seriously, he's not expected to stay here with me. We're together, yes, but we still have separate lives. Besides, okay naman na si Papa. He's still in recovery, but he's already out of the woods.

"Sabihin mo, Pa, kapag gusto mong makita sila Mama," sabi ko sa kanya habang pinagbabalat ko siya ng prutas. Ako kasi iyong nakabantay sa kanya ngayon. Alam ko naman na hindi pupunta rito sila Mama o iyong mga tita ko kapag nandito ako. Ang tataas kaya ng pride ng mga 'yon. Iyon bang alam naman nila na sila ang mali pero sila pa rin ang magmamalaki.

"Talaga bang 'di ako nakaka-istorbo sa trabaho mo?" he asked instead.

Umiling ako. "Naka-leave nga ako," sagot ko sa kanya. "Pagbalik ni Pablo dito, papakita ko sa 'yo 'yung anniversary issue namin," dugtong ko. Syempre proud ako sa pinagpaguran ko. Gusto ko lang din na makita ni Papa iyon. Alam ko na alam niya na mahal ko iyong trabaho ko kaya gusto ko rin na makita niya iyong output. Medyo hindi niya rin kasi maintindihan iyong trabaho ko kapag pinapaliwanag ko sa kanya kaya mas maganda na ipakita ko na lang.

Tumingin sa akin si Papa. I knew he wanted to ask about the video. Hindi niya lang alam kung paano sisimulan sa akin. Ayoko rin naman i-bring up dahil mas concerned ako sa health niya. Besides, it's a non-issue naman na. Therese already learned her lesson—I hope.

"May sasabihin ka ba, Pa?" I managed to ask nang ilang segundo na siya na nakatingin sa akin.

I waited for him to tell me something, anything, but he only smiled at me and asked me to hand him the fruit platter. Nagkwentuhan kami tungkol sa ibang bagay. We made a new list. Hindi na lang restaurant na gusto niyang puntahan kung hindi mga lugar na rin. Hindi kasi siya masyadong nakapagbakasyon dahil busy siya sa pagta-trabaho para makapagprovide sa amin. I didn't like taking leaves because I used to think that it would hinder me from fast-tracking my career. Pero ngayon na alam ko na iyong pakiramdam na pwede siyang mawala anytime? I would take all the leaves that I could get and spend time with my dad.

We ended up with quite a list. I was already plotting in my head kung paanong hati sa vacation ko ang gagawin ko. I'd just have to work faster and compromise with my employer, I guess? Bahala na. I'd just have to discuss it with them pagbalik ko.

"Cerise," pagtawag ni Papa.

"Yes?"

"Masaya ka naman, 'di ba?" he asked instead.

For some reason, I was extremely happy that he didn't ask me about the video. It made me feel na wala siyang pakielam—not in the sense na wala siyang pakielam sa akin but in the sense that he loves me and respects me enough to know that I am an adult and I do my own thing. And that there's nothing wrong with what I did dahil wala naman akong tinatapakan na tao. And kung may disappointing man sa mga anak niya, si Therese 'yon at hindi ako.

I looked at him and nodded. "Masayang-masaya," I replied because at the moment, I truly was happy.

* * *

Umaalis ako kapag hapon na para naman magkaroon ng oras sila Mama na pumunta kapag gabi. Babalik ako kapag umaga na and may dala ako na prutas o kung anuman para kay Papa. Minsan kapag gabi at hindi ako makatulog, pupunta rin ako doon tapos doon ako matutulog sa upuan kahit sobrang uncomfortable.

Ewan ko ba. Nagkaroon na ako ng paranoia na baka biglang magkaroon ng complications iyong operasyon.

Tonight, though, I was getting ready dahil pupuntahan ako ni Pablo sa hotel. He just finished fixing some things and he said that he'd stay with me for a few days. May dala rin siya na mga gamit ko from my condo and the magazine that I requested.

All For Show (COMPLETED)Where stories live. Discover now