10

3 1 0
                                    

-Ibang Mundo-

Sa pag pikit ng aking mga mata,
ang mundo'y nag iiba,
Tila 'di kapanipaniwala ngunit ito'y kakaiba,
panibagong mundo ay mabubuo sa lawak ng imahinasyon ko,

Malayo sa tunay na mundo, ako'y malaya sa buhay ko,
Walang pinagsisihan,
walang iniiyakan,
walang problema kung hindi ang maging masaya lang.

Maging masaya?
Mahirap man ngunit makakaya,
ipikit ang iyong mata at palawakin ang iyong Sistema,
tiyak ang iyong imahinasyon ay aktibo upang tulungan ka, makalayo sa mundong winasak ka,

Wag matakot,
mag tiwala,
tara't tayo'y magtungo,
tara't takasan natin ang tunay na mundo.

Arts Of PoetryWhere stories live. Discover now