25

0 0 0
                                    

M O R E N A

Sa kulay makikita,
Ang tunay na pagkilala,
Kung saan nag mula,
Ang kagandahang kakaiba.

Morena kung tawagin,
Panget kung punahin,
Bagama't Ito ang kinalakihan natin,
Laging tandaan, kagandahan ay nasa atin.

Ang katotohanan,
Wala sa kulay ang kagandahan,
Ni wala sa itsura at kayamanan,
Kung wala kang ugaling ka aya-aya, hindi ka maituturing na maganda.

Sa ugali nag mumula,
Ang kagandahang tunay na dakila,
Dito makikita,
Ang tunay na ganda.

H'wag tayong padadala sa sinasabi nila,
Ang salita nila ay replika nila,
Hindi nila matanggap ang sariling sila,
Kaya't ibinabato nila sa iba.

Arts Of PoetryWhere stories live. Discover now