Chapter 5: Violating the Game Law

306 22 4
                                    

DALAWAMPU'T tatlong Prisoners ang nagtitipon sa aisle sa labas ng mga selda. Ini-inspect namin ang mukha ng bawat isa dahil ito ang unang pagkakataon na nagharap-harap kaming lahat

"Guys, I think we should do a proper introduction first bago natin libutin ang lugar." The girl shouted na nanggaling sa Cell 2 (Prisoner 5), siya 'yong boses kanina na lumaban kay Prisoner 18. May mahaba siyang itim na buhok at nakasuot ng salamin. Nasa sakto lang ang tangkad niya na sa tingin ko ay 5'2 lamang ito. "We should be acquainted with each other kaysa tinatawag natin ang isa't isa bilang number-number. We are not lab rats here."

"Acquainted? Tangina wala akong panahon kilalanin kayo lahat! Gusto ko lang makatakas sa putanginang lugar na ito at hindi bumuo ng circle of friends." Sigaw ni Prisoner 18 sa kaniya at nakapamulsang naglakad papalabas ng Cell Area.

Hinabol siya ni Prisoner 5 at hinigitnang kaniyang braso. She is pretty bold para kalabanin at kaharapin si Prisoner 18 dahil ang laking tao nito at nakakatakot din ang awra na binibigay nito. "Do you think you can find the key here alone? Sa ayaw at sa gusto mo, grupo tayo rito. Makakalabas lang tayo ng buhay dito kung magtutulu-tulungan tayo."

"Mas gugustuhin kong hanapin ang susi para makalabas sa lugar na ito kaysa sayangin ang oras ko sa laro mong introduce yourself." Buong puwersa niyang inalis ang pagkakahawak ni Prisoner 5 dahilan para mapaupo ito sa sahig. Walang pakialam si Prisoner 18 at naglakad na siya papalabas ng cell area.

Tinulungan din ng isang player na babae si Prisoner 5.

May ilang players din na sumunod kay Prisoner 18 para makaalis sa lugar na ito. I actually got his point, limitado lang ang oras namin at hindi namin puwedeng ubusin ito para lang kilalanin ang isa't isa. Naglakad na rin papalabas si Marco at nakasunod sa kaniya si Ruri.

Saglit akong nakatayo upang ma-compose ang sarili ko, pinagmasdan ko rin ang natuyong dugo mula sa Cell 6.

"Okay ka lang?" Prison 2 asked Prison 5.

"Kailangan natin ng plano para makaalis sa lugar na 'to. Kung hindi, posibleng mamatay tayong lahat dito." Player 5 explained to her.

Naglakad na rin ako papalabas at sumalubong sa akin ang isang hallway. Palingat-lingat ako sa paligid at maririnig lang sa hallway ay ang pag-uusap ng ibang players at pagpatak ng tubig mula sa mga tubo.

Habang naglalakad ako ay may isang pinto akong nakita sa kanang bahagi na nakalagay ay Cafeteria. Sumilip ako sa lugar at malaki itong silid na may maraming upuan at ilang mga lamesa. Sa isang gilid ay may lutuan na kumpleto sa kagamitan samantalang sa kabilang gilid naman ay mga ingredients sa pagluluto. May mga tsitsirya man at noodles na maaari naming maluto.

Hindi nagbiro 'yong lalaking nakamaskara na hindi kami magugutom sa lugar na ito dahil sa mga pagkain at tubig. There are some players already entered the cafeteria to find the key.

Ako naman ay napalingon sa katapat ng pinto ng cafeteria. Na may nakalagay na Infirmary kung saan may dalawang kama at kabinet na naglalaman ng mga gamot.

I continued to check the place at mas malaki siya kumpara sa inaakala ko dahil mayroong Library, Lounge area, Common Bathrooms, Storage Area, at Gym Area. Hindi biro ang laki ng bawat lugar kung kaya't kahit sino ay mahihirapan sa paghahanap dito.

May isang oras pang natitira bago matapos ang allowef hours namin ngayong umaga. Matapos kong ma-check ang bawat lugar ay dumiretso muna ako sa Cafeteria upang kumuha ng tinapay na makakain. Pagpasok ko pa lamang dito ay narinig ko na ang ingay na ginagawa ng mga players. I saw Prisoner 8 holding a knife at sinusubukan tanggalin ang nasa kaniyang leeg.

Agad akong naalarma dahil nasa rule book ang huwag pagsira sa mga device na nasa leeg namin sa kahit anong paraan. "Itigil mo na 'yan Lorraine, ipapahamak mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo!" Sigaw ni Prisoner 7 na mukhang kasama niya sa Cell.

Prisoner GameWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu