Chapter 10: Viewers Gift

272 26 1
                                    

UMAGA na, simula na ng pangalawang araw namin dito sa putanginang underground prison na ito. Hindi man lang ako nakakuha ng maayos natulog kagabi dahil hindi nawawala sa isipan ko ang larong kumitil sa buhay ng dalawa naming kasamahan.

Ang bilis ng pangyayari, in just one day, apat na prisoners agad ang nawala sa laro. Iniisip ko tuloy kung hanggang kailan ako tatagal sa larong ito. Naalala ko pa, puro ako reklamo kung gaano kaputangina ang buhay ko sa labas ng larong ito pero... mas impyerno pala rito.

Why did I fucking signed up for this game?

"Malapit na ang open hours, Jude, hindi ka man lang ba maghihilamos?" Tanong sa akin ni Ruri habang pinupunasan niya ng tuwalya ang kaniyang basang buhok. "Are you able to get some sleep yesternight?" She asked.

"Hindi, paikot-ikot lang ako sa kama. Mga bandang alas-tres na ata ako nakatulog." Sagot ko kay Ruri at pumasok sa banyo upang maghilamos.

Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. "Kailangan mong maka-survive." Sabi ko sa sarili kong repleksyon.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Marco na nagbabasa ng libro. I observed him, iniisip ko pa rin kung bakit niya lang hinayaan si Gela na mamatay? I mean, he have the capacity to help him that moment!

Napatingin sa akin si Marco. "You know, it's obvious when you are staring and judging me inside of your head." Panimula niya sa akin at ibinaba ang librong binabasa niya. "Bakit? Nagbago ba ang tingin mo sa akin dahil sa nangyari kagabi? I warned you from the very beginning. Kahit utusan ako ng laro na pumatay ay gagawin ko para lang makalabas sa lugar na ito."

"Hindi mo naman papatayin si Gela, eh. You will just help him." May diin sa bawat salitang binitawan ko kay Marco. Gela can still survive that night! But he purposely said his tactics noong wala ng oras.

Napailing-iling si Marco at ngumisi. "Why would I? Anong benefit noon sa akin kung tutulungan ko siya?" He asked me. "Walang lugar ang mahihinang tao sa larong ito. They should be eliminated, dagdag ingay lang sila."

"Ano bang pinag-uusapan ninyong dalawa?" Tanong ni Ruri na mukhang hindi narinig ang mahinang pagtatalo namin ni Marco.

Saktong narinig namin ang ingay ng pinto, hudyat ito na muling nagbukas ang mga selda namin at simula na mg open hour ngayong umaga.

Paglabas ko ng silid namin at noong makita ang mga kasama ko, paramg lumong-lumo at hinang-hina ang lahat. Death became a regular thing in this game. Pare-parehas nakabaon ang isang paa namin sa hukay.

"So hayaan muna natin magpahinga ang Cell 1 sa pagluluto. Also, ganoon din para sa cell 8. They lost one of their cellmates." Panimula ni Thea bago kami makalabas sa cell area.

"Hindi ka pa rin ba talaga tapos sa pagiging lider-lideran mo? Sino bang bumoto o pumayag na mag-ga-ganyan ka?" Sabat ni Benjo na inis na napapakamot sa kaniyang ulo.

"Hindi ako naglilider-lideran!" Sabat ni Thea sa kaniya.

"Eh ano 'yan?" Benjo said.

"Sinong gusto mong mag-step up para mag-guide sa mga kasama natin? Ikaw?" Napailing si Thea at inirapan si Benjo. "Anong kayang gawin ng utak munggo na kagaya mo?"

"Anong sinabi mo?!" Benjo shouted.

"Hoy! Benjo! Tumahimik ka na nga!" Sabi ni Jie sa kaniya na kasama niya sa cell. "Wala ka na ngang ambag, puro ingay ka pa. Kung ano ikinalaki ng muscle mo iyon din ikinalaki ng bunganga mo sa pagrereklamo."

"Guys, tumatakbo ang oras." Paalala ko sa kanila. We can't stay here all day para lang magbangayan.

"Sino ka?" Tanong ni Irene sa akin at inirapan ako. "Minsan ka na nga lang magsalita. Si utos ka pa."

Prisoner GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon