Chapter 12: Who Done It?

280 18 9
                                    

"BAKIT ganyan ang mga mukha ninyo? Hindi ba kayo nasarapan sa luto nila boy labo?" Tanong ni Benjo habang malalaking subo ang ginagawa sa kanin at adobo.

"Hindi ako si Boy Labo, Kennard." Sabi ni Kennard.

"Oo na, boy labo, ganoon din 'yon." Sabi ni Benjo na tuloy pa rin sa pagkain. Kumunot ang noo niya. "Bakit kayo ganiyan makatitig lahat? Mauubos na ang oras natin, kailangan may lakas ako kung sakaling mapili ako sa dare." Dugtong pa niya.

Nagulat kami noong makarinig kami ng malakas na kalampag sa lamesa mula sa kabilang lamesa. "Ganiyan ka ba ka-insensitive, Benjo?!" Galit na tanong ni Thea sa kaniya. "Namatay si Cholo! Somebody killed him tapos kung umasta ka ay parang nasa outing ka lang ngayon?!"

Napatigil si Benjo at ibinaba ang kutsara't tinidor na kaniyang hawak. "Oh, namatay si Cholo, anong gagawin ko? Magmumukmok din? Huy, feeling lider, kahapon pa may namamatay sa larong ito. Hindi ka pa ba nasanay?"

"Ganiyan ka ba talaga ka-walang pakialam sa ibang tao, Benjo?" Thea shouted. "Ayaw mo bang makaalis tayong lahat sa impyernong ito ng buhay?"

"Pakialam ko sa inyo?" Bahagyang natawa si Benjo at matalim na tinitigan si Thea. "Kahit mamatay ka ngayon sa harap ko ay wala akong pakialam. Ang iniisip ko ay sarili ko lang dahil putangina, sa totoo lang hindi ko naman kayo kilala lahat! Nagkataon lang na magkakasama tayo rito at hindi ko kayo kadugo. So, bakit ako magkakaroon ng pakialam sa inyo?"

"Ang lala mo." Thea said.

"Stop it." Irene shouted. "Kung magtatalo kayong dalawa, maluwag ang pinto. Sa labas ninyo gawin. Hayaan ninyong makakain ng maayos ang mga gustong kumain, my God."

Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang pagkaing nasa harap ko. Hindi ko na alam ang nangyayari. Parang sa bawat oras na lumilipas ay pagulo nang pagulo ang lahat. Isa sa amin ang namatay at isa rin sa amin ang may gawa nito.

"Jude," tawag sa akin ni Ruri at napatingin ako sa kaniya. "'Yong ilong mo. Dumudugo." Turo niya. Napahawak ako sa ilong ko at naramdaman ko nga ang pulang likido mula rito. "I will get some tissue."

Tumayo si Ruri at bahagya akong tumingala. "Huwag kang tumingala." Sabi ni Gabbi (Prisoner 9). "Let the blood flow out of your body."

Inabot sa akin ni Ruri ang tissue at pinunasan ko ang ilong ko. "Are you okay?" She worriedly asked.

"Oo, ganito lang talaga ako kapag nai-i-stress." Sagot ko sa kaniya. Hindi na 'to bago sa akin dahil kapag may mga exam man na kinakailangan kong magpuyat para mag-review ay dumudugo man ang ilong ko.

Maya-maya lamang ay may isang prisoner guard ang pumasok sa loob ng cafeteria at nakuha no'n ang atensiyon ng lahat. Muli, may hila-hila itong utility cart at lumapit sa isa sa mga players— kay Benjo.

"Anong mayroon?" Nagtatakang tanong ni Benjo.

"This is a food gift for you from one of the game viewer." Binuksan noong Prisoner guard ang laman ng utility cart. Isa itong buong lechong manok na may maraming sauce at isang bote ng wine.

"Ayos 'to, ah! Pero sana pinalitan na lang 'tong wine ng red horse o kaya gin bilog. Hindi naman pangsosyal-sosyal 'yong dila ko pagdating sa alak." Malugod na tinanggap ni Benjo ang pagkain. "Pero hindi naman ako nagrereklamo, next time kamo red horse na lang. medyo mura pa kumpara rito."

"Please be advised that this is a personal gift from one of our viewer and you are not allowed to share this food to any prisoner. Enjoy your meal." Naglakad na papalabas ang Prisoner Guard.

"Bakit pinadalhan 'tong kupal na 'to?" Bulong ko sa sarili ko dahil bakit padadalhan ng pagkain itong si Benjo samantalang wala naman dulot na maganda itong taong 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Prisoner GameWhere stories live. Discover now