Chapter 6: The Reason

324 21 6
                                    

PAGKABALIK namin sa mga cell namin ay para akong walang buhay na umupo sa kama. I just witnessed to deaths of two people at wala pa kaming isang buong araw na nilalaro itong Prisoner Game.

"Nasusuka ako," Sabi ni Ruri at nagmamadaling pumasok sa CR sa loob ng Cell 4. We can hear her from here. Pinagmasdan ko ang talsik ng dugo sa katawan ko. This is all real blood. This game, hindi ito katulad nang mga napanonood sa TV o sa mga vlog. Binubuhay ng larong ito ang takot sa buo kong katawan.

"Your head," Biglang nagsalita si Marco at nakuha niya ang aking atensiyon. "How was it?"

Napahawak ako muli sa aking ulo na may benda. "Medyo makirot na lang." Sagot ko sa kaniya. Nawala nga sa isip ko na may sugat ako sa ulo dahil sa dami ng nangyari ngayong araw. "Makapagpapalit ba tayo ng damit?" Tanong ko dahil may mga talsik ng dugo ang suot naming orange ma tracksuit na parang isang preso.

"May kabinet sa gilid," turo ni Marco. "I checked that at may mga spare na damit. But it is just similar on what we are wearing right now. Just make sure to get the tracksuit that is similar to yours— 11." Paliwanag niya sa akin. Tumayo ako at kumuha ng panibagong tracksuit. Hindi ko na matiis ang amoy ng dugo na natuyo na sa balat ko.

Nanghihinang lumabas sa CR si Ruri at ponunasan ang kaniyang labi. "Kumuha ako ng benda kanina sa infirmary at saka panglinis sa sugat. Puwede nating palitan ang nakalagay sa ulo mo." She explained to me.

"S-Salamat." Kahit papaano ay naramdaman ko nang unti-unti kaming nagiging close sa Cell 4. Kumuha ako ng panibagong damit sa may kabinet. Mabuti na lang din ang may mga bagong underwears din silang nakalagay dito.

Pumasok ako sa CR at binuksan ang shower, hinayaan kong dumampi sa balat ko ang malamig na tubig na unti-unting tinatanggal ang mga tuyong dugo sa aking balat. Muli kong naalala ang nangyari sa dalawang kasamahan namin, tandang-tanda ko pa kung paano sumabog ang kanilang mga ulo.

Parang umikot ang sikmura ko at napahawak ako sa bibig ko dahil muntik na akong masuka sa diri. Hindi ko alam na may mga taong kayang gawin ang bagay na ito? They locked inside here all the people na may mga problema sa pera. They took that opportunity para mapasali kami sa Prisoner Game na ito.

Nilinisan ko na ang katawan ko at pinunasan ng tuwalya ang katawan ko. I look myself in the mirror. "I must survive. Kailangan kong mabuhay."

Paglabas ko ng banyo ay agad akong tinulungan ni Ruri na linisin ang sugat sa ulo ko. Ramdam ko ang hapdi noong lagyan niya ng alcohol ito. "What happened? Bakit may sugat ka sa ulo?" Tanong niya.

"Sinubukan kong gaguhin 'yong mga lalaking sumundo sa akin. Sinabi kong hindi ako parte ng laro at sinubukan silang takbuhan." Kuwento ko dahil ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ito nangyari.

Tahimik lang ako habang nililinisan ni Ruri ang sugat sa ulo ko. Napatingin ako kay Marco na tahimik lang na nakaupo sa kaniyang kama at tinitingnan ang isang libro na sa tingin ko ay kinuha niya sa library. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya. "How's your tour in the underground Prison? Found anything you like?" Tanong niya.

He flipped a page sa librong binabasa niya. "Inikot ko lang 'yong lugar para ma-familiarize ako. Mamaya ay susubukan ko nang hanapin 'yong susi paakyat sa basement prison." Paliwanag ko at tinalian na ni Ruri ng benda ang ulo ko. Tumingin ako sa kaniya. "Salamat."

Ruri seated beside me. "Tumulong ako kay Marco na maghanap ng susi sa Library area. We didn't conduct any inspection sa ibang area pa."

"Kumusta ang paghahanap ninyo?" Tanong ko. Tiningnan ko 'yong library kanina at ang lawak ng lugar para sa isang library dahil para siyang isang malaking bookstore sa dami ng bookshelves at librong naka-stock dito. Gawa sa wooden plank ang sahig nito kung kaya't maganda ang ambiance sa nasabing lugar.

Prisoner GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon