Chapter 11: Unexpected Death

205 17 1
                                    


MABILIS na lumipas ang oras at simula na ng open hour ngayong hapon. May tatlong oras muli kami para mag-ikot sa lugar. Buong oras na nakakulong kami ay nagkuwentuhan lamang din kaming dalawa ni Ruri. Paminsan-minsan ay sumasali sa usapan namin si Marco pero mas madalas ay pinipili niyang magbasa ng libro.

I trust Ruri more than Marco. Si Marco 'yong tipo ng tao na kaya ka niyang iwanan kapag oras na nang gipitan. Kayang-kaya ka niya saksakin patalikod. He can do whatever it takes to survive.

Iba na ang mga taong katulong ni Kennard sa pagluluto ng tanghalian kung kaya't sumama ako kanila Ruri sa paghahanap. This time ay sa Gym area kami nakatoka na mag-ikot. Hindi ko nga alam kung bakit may mga ganito pang room dito sa Underground prison samantalang hindi naman ito nagagamit. We are much more busy finding the key than taking our time to workout here.

Ang mapakikinabangan nga lang yata rito ay ang cafeteria at ang infirmary. Cafeteria para sa pagkain namin, it got all the food supplies na kailangan namin para maka-survive sa demonyong lugar na ito. Samantalang sa infirmary naman ay nandoon ang mga gamot kung may masakit man sa amin o mga sugat na kailangan gamutin.

Nag-iikot kaming tatlo sa gym area at pumunta ako sa locker area ng gym. Binuksan ko ito isa-isa at maigi na chineck... walang susi. "Maganda rin pala na makuha mo ang tiwala ng mga taong nanonood sa atin." Sabi ni Ruri habang nakatingin sa surveillance camera.

Napailing ako sa pagkadismaya. "Gusto mong kuhanin ang tiwala ng mga taong iyan? Sila ang rason kung bakit nandito tayo at nagpapakahirap na hanapin ang putanginang susi na 'yan." Paliwanag ko sa kaniya.

"Kung mananatili kang galit sa kanila, may mababago ba?" Tanong ni Marco na naghahanap sa gym equipments na nasa isang gilid.

"Kung patatawarin ko ba sila ay makakaalis ako dito?" Tanong ko pabalik.

"Posible." Marco said at nagpagpag ng kamay matapos hawakan ang maalikabok na barbel. "Your pride can't save your ass here. Tanggapin mo na sa sitwasyon natin ngayon ay sila ang posibleng makatulong sa 'yo. They can make your life easier here." Paliwanag ni Marco.

Matapos kong tingnan ang mga locker (bigo akong makita ang susi) ay pumunta naman ako sa hilera ng threadmill.

"Nag-aalala ako para kay Anya. Hindi pa rin siya lumalabas ng cell nila at hindi kumakain. Naapektuhan talaga siya sa pagkawala ni Gela." Kuwento ni Ruri na naghahanap man.

"Kaibigan na ang tingin niya kay Gela. Harap-harapan niyang nakita na ang taong kasama niya ay biglaan na lang namatay. Her feelings are valid." Sagot ko at napatango-tango si Ruri. "Pero sana naman ay huwag ito tumagal ng ilang araw. Hindi siya maaaring magmukmok na lang sa isang sulok magdamag. Ang goal pa rin natin ay makaalis sa lugar na ito." Kuwento ko pa.

"I will go out for a while." Sabi ni Marco.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ruri.

"Kukuha ako ng libro na mababasa sa library. Matatapos ko na 'yong binabasa ko ngayon." Paliwanag niya. Hanga din ako kay Marco dahil ilang nobela na ang natapos niya samantalang isang araw pa lang kami rito.

Naiwan kaming dalawa ni Ruri na naghahanap sa gym area. "Nakita mo 'yong susi?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko pa rin nakikita. Hindi ko nga alam kung paano nila nagawang itago ang susi na iyon? Lahat tayong Prisoner ay kahapon pa nag-iikot pero ni-anino ng susi ay wala tayong nakikita." Kumakamot ko sa ulong paliwanag.

Bahagyang natawa si Ruri. "If ako man ang game admin nitong Prisoner Game, hindi ko dadalian ang paghahanap sa susi lalo na't sampung milyon ang nakataya sa bawat isa sa ating makakatapos ng laro." She explained at naintindihan ko naman ang bagay na iyon.

Prisoner GameWhere stories live. Discover now