Chapter 6: The Deal

315K 16.7K 1.8K
                                    

Chapter 6: The Deal

Pumasok ang sasakyan ni Landon sa loob ng isang mataas at kulay itim na gate. Nagtataasan din ang mga pader na nakapalibot dito. May isang guard na nagbukas sa amin ng automatic gate bago pa man kami tumapat dito.

Nang huminto ang sasakyan sa driveway, may pinindot si Landon sa hawak na remote at biglang bumukas ang pintunan sa side ko. Binuksan niya ang sariling pintuan at lumabas. Ganoon din ang ginawa ko.

Nang makalabas na ako mula sa heavily tinted na sasakyan, bumungad sa akin ang isang nakapalaking bahay. Shit. Bulong ko sa sarili. Paano siya nagkaroon ng ganito kalaking bahay? He's only 21 years old!

"Magandang umaga, Sir Landon." bati ng isang butler sa tapat ng pintuan. Inabot ni Landon ang remote ng sasakyan dito. "My garage." maikling instruction niya bago pumasok sa loob ng nakabukas na pintuan.

Matanda na ang butler at hindi ko maiwasan isipin kong isa rin ba siya sa kanila. Vampires. Muli kong pinagmasdan ang bahay sa harap ko. Mula sa maaayos na nakatrimmed na halaman, sa mamahaling pinto at sahig. It was modern yet there are traces of vintage design.

"Denise, come on."

Napalunok ako nang marinig ang boses ni Landon sa loob. Napatingin ako sa butler and I wonder if I will be safe in this place. Mukha itong normal na mansion kung tutuusin. Pero ano nga ba ang normal para sa kanila?

Pumasok ako sa loob at nagbow ang mga katulong na nadaanan ko. Mas lalo akong nailang sa suot ko. PE shorts at puting T-shirt. Linibot ko ang tingin sa paligid para hanapin si Landon. Puro kahoy at babasagin na mga bagay ang nakikita ko. Mula sa hagdan, chandelier, mga vase at furniture.

"Sumunod po kayo sa akin." sabi ng isang mas batang katulong.

Pinapunta niya ako sa isang kwarto. It was somewhat a study room. Pinaupo niya ako sa isang brown leather sofa at sumunod na pumasok ang isang katulong para ilapag ang pagkain sa coffee table sa harapan ko.

"Nasaan na si Landon?" tanong ko.

"Susunod po siya." magalang na sagot ng babaeng nagdala sa akin sa kwarto bago sinara ang pintuan at iniwan ako.

Pinagmasdan ko ang loob ng kwarto. Libro, table, computer, at madami pang libro. Yong iba halatang makakapal at luma. Nilaro ko ang dulo ng rubber shoes na suot ko sa maroon na carpet sa sahig.

"They didn't give you any proper clothes?"

Halos mapapitlag ako sa narinig. Ramdam ko ang automatic na pagbilis ng tibok ng puso ko. Bumalik ang tingin ko sa mahabang mesa kung saan nakaupo siya sa likod nito at mukhang kanina pa ako pinagmamasdan.

Muli akong naconscious sa suot ko. Naghanap ako ng throw pillow para takpan ang binti ko pero wala akong makita. I heard him chuckle. A deep, hearty one, that filled the silent room.

"Don't worry, mas malala pa ang suot ng karamihan sa mga babaeng pinapapasok ko dito."

Nag ngitngit ako bigla sa narinig. Ilan na bang babae ang napunta sa lugar na ito at hindi na nakabalik ng matino? Monster. I balled my knuckles until they turn ashen on my pale skin.

Maya maya pa, naramdaman ko ang isang mainit na hininga sa batok ko. "You're adorable when you're reacting like that." sinabi niya mula sa likod ko. "Damn adorable and sexy."

"Cut the crap." mariin kong sinabi. "Sabihin mo na sa akin kung paano gagaling si Elyse."

Natawa siya ng mahina. "Patience, Denise."

Naglakad siya at umupo sa katapat kong single seater sofa. Nakapambahay nalang siya ngayon, a simple gray T-shirt and a brown khaki shorts. Hindi ako sanay na nakikita siyang mukhang normal. Nawawala sa isip ko ang mga nakita ko noong gabing yon.

The Devil's TrapWhere stories live. Discover now