Chapter 8: Black Tuxedo

309K 15.1K 2.1K
                                    

Chapter 8: Black Tuxedo

Pinagmasdan ko ang pag alis ng itim na sasakyan hangang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Binuksan ko ang maliit na gate ng apartment namin ni Elyse at dumerecho sa loob.

Hapon na at hindi ko na nagawang bumalik pa sa school. Hindi ko na din kayang bumalik pa. Masyado nang mahaba ang araw na ito para sa akin. Pabagsak akong umupo sa sofa sa sala.

Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ko. Hangang ngayon, bahagya paring nanghihina ang mga binti ko. Pumayag ako. Pumayag ako sa gusto ni Landon Monaghan.

Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko at nag bihis. Kailangan kong puntahan si Elyse. Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at nag aalala ako na nadala lang ako.

--

Dumating ako sa Hospital, alas kwatro ng hapon. Tahimik akong pumasok sa loob ng kwarto. Tulad ng dati ay napakatahimik dito. Walang tao. Tanging ang tunog ng heartbeat monitor ang maririnig sa buong sa kwarto. Kung tutuusin, normal ang heartbeat niya.

Umupo ako sa silya malapit sa kanyang bed. Nakabukas ang mga mata niya at maaaring naririnig niya ako. Bumuntong hininga ako. Elyse, hindi ko alam kung tama ba ang decision na ginawa ko. I had faced the deal I tried hard to escape so I can save you.

Naisandal ko ang aking ulo sa malambot na kama. Starting tomorrow, I'll be under the blood contract. Hindi parin ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin. I was just another university student until the night I sold myself to the devil. After that, everything went downhill.

Ayon sa contract, kailangan kong maging source of blood ni Landon sa mga susunod na tatlong buwan. The sentence itself doesn't sound proper to my ear. Pero yon ang napagkasunduan namin.

Tatlong buwan lang.

He said I don't have to worry. Madali siyang magsawa. Baka wala pang tatlong buwan, palalayain na niya ako sa contract. I really hope so. Pero ibig sabihin din nito ay susunod na si Elyse. I groaned just by thinking about it. Bakit ba kami nasangkot sa mga tulad nila.

--

Kinabukasan nang pumasok ako sa Lecture Hall, napansin ko ang mga mata na nakatingin sa akin. Nang umupo ako sa silya, hindi ko maiwasan na marinig mula sa mga bulungan nila ang pangalan ko.

Yeah, I was with Landon Monaghan yesterday. Big deal. You don't even know half of the story so shut up! Pero sa halip na sumagot, tumahimik nalang ako. They are the least of my concerns right now. I have a lot of bigger concerns than their pathetic gossips.

Nang mag lunch na, lumabas ako mula sa Lecture Hall at halos mapatili nang maramdaman ang mga kamay na kumapit sa braso ko. "Girl, you have a lot of explaining to do."

Napalingon ako kay Justin na hawak ang braso ko. Nakasunod si Daniela at Clomil na akala mo ay mga secret agents na tiningnan muna ang paligid bago naglakad sa tabi namin at hinila ako palabas ng building.

Geez, these people!

Nakarating kami sa quadrangle kung saan umupo kami sa loob ng isang shed. Pinagmasdan ko ang mga kasama ko na ngayon ay nakatitig sa akin na para bang hindi makapaniwala.

"Spill, Denise!" exclaimed Daniela.

"Spill, what?" I asked.

"What we don't know."

I know they are referring to the chaos at the gym yesterday. But I can't help my silent retort. There are a lot of things you don't know, guys. And it's better if it will stay that way.

The Devil's TrapWhere stories live. Discover now