Chapter 17: Fire

263K 12.4K 2K
                                    

Chapter 17: Fire

Nakatitig ako sa labas ng tinted na sasakyan ni Landon. He was beside me, driving. Tahimik sa loob ng sasakyan. Walang sino man ang umiimik. Panay ang hila ko sa kanyang jacket upang matakpan ang aking binti. It was a failed attempt. But I was not worried about Landon saying a sordid remark. I would probably prefer it that way than what he was doing. His mouth usually doesn't have a filter. What he thinks, he has all the guts to say. I don't like when he's being too silent.

Naging familiar ang daan na tinatahak namin. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa tapat ng apartment. Huminto ang sasakyan. Hindi ko tinanong kay Landon kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira. He has his ways. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at lumabas. Inalis ko ang jacket ni Landon. The chilly early morning breeze sent shivers down my body.

"Keep it."

Yon lamang ang kanyang sinabi bago muling humarurot paalis ang kanyang sasakyan. Nanatili ako sa tapat ng apartment habang pinagmamasdan ang kanyang paglayo. Lumipas ang ilang minuto bago ako pumasok sa apartment. Mula sa orasan sa hallway nasilayan ko ang oras. Mag-aalas kwatro na ng madaling araw.

The apartment remained silent. Naglinis ako ng katawan saka nagbihis. Pinatong ko ang black mini dress at jacket sa upuan. I've never felt so warm and cozy on my oversize shirt and pajama. Pabagsak akong humiga sa kama.

Alam kong mas malaki ang problema na kakaharapin ko bukas. But right now I just wanted to rest. Bago tuluyang pumikit ang aking mga mata napatitig ako sa itim na jacket na nakapatong sa silya. I saw a different side of Landon in the midst of a catastrophic night.

--

Mataas na ang sikat ng araw noong maalimpungatan ako. Bahagya kong tinakpan ang mukha ko mula sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mukha. Bumangon ako. The room was flooded by light, but silent.

A sudden buzz caught my attention. I stared at the phone on the table. It must be Georgina. Hindi na ako nakapag paalam sa kanya kagabi. Napahawak ako sa aking sintido. I made a mess last night. Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag. I stared absentmindedly at the clock on my bedside table. Ten o'clock ng umaga.

"Hello?"

"Good morning, Miss Limerick," greeted a familiar cheerful voice.

Muli kong tiningnan ang screen ng phone ko. The call was from Saint Jude's. I cleared my throat before answering.

"Yes?"

"I just want to inform you that we already received the deposit. Thank you for trusting Saint Jude..."

The voice of the woman on the other side of the line faded as I processed what I just heard. Deposit?

"Miss Limerick?"

The same cheerful voice pulled me out of my thoughts.

"Oh, thanks." Tanging nasabi ko. "Thank you."

Binaba ko ang phone matapos ang tawag. Nanatili akong nakaupo sa kama. Ako lang ang nakakaalam ng account ni Mama sa Saint Jude's. It was saved on my phone.

Humigpit ang hawak ko sa phone ko nang maalala ang isang bagay. Dumako ang tingin ko sa ilang damit na nakapatanong sa mesa. It was the clothes I wore before I entered the bar. Kasama ito ng phone ko na naiwan sa dressing room. I didn't get the chance to retrieve it last night because of how messed up the situation was.

Nagmadali akong umalis sa kama at tiningnan ang aking damit. Nalaglag mula doon ang original na susi ng apartment. I used the spare key last night. He was indeed inside this room! I dialed a number on my phone.

The Devil's TrapWhere stories live. Discover now