Hashtag 07

200K 8.5K 4.7K
                                    


#SilenceBackfired

"When the lips could not speak, perseverance will deliver the message."

-x-


"Anong trip 'yan?" Facio asked Miko. "May sakit ka? SARS ba 'yan?"

"SARS? Napaka-updated naman nung sakit," natatawang sabi ni July.

Hindi na nag-expect ang lahat na magsalita si Miko dahil na rin sa cute nitong mouth mask na suot. Instead of talking, binura nito ang kasusulat lang sa whiteboard na dala at pinalitan ng: WALA AKONG SAKIT

Eh ano?" asked another. "Paos? Walang boses?"

MAY BOSES AKO.

"Aha!" sabi ni Yayo, the pregnant editor who was severely fond of Miko. She tried to get the mouth mask from Miko pero pinigilan nito. "KPOP ka? Ganyan uso sa Koreans, eh!"

Jhing's heart pounded inside her chest when she saw the smiling eyes of Miko, almost gone dahil sa chinito eyes. Nakakainis pa dahil napaka-pa-kyut ng design ng mouth mask.

He couldn't really take everything seriously, could he?

"Para saan ba kasi 'yan?"

UTOS LANG

July asked, "sinong nag-utos ng trip na 'yan?"

Nag-panic si Jhing from the inside when her eyes met Miko's kaya agad siyang napatingin sa sariling computer.

Hindi tuloy niya nakita ang nakangiting mata ni Miko as he wrote, ANG NAKATATAAS, that earned laughter from most of the book department. Kahit sila Ms. Vams at Ms. Stels ay napangiti rin sa trip ni Miko.

"Sabog ka talaga, 'tol," Facio commented.

Nakitawa rin ang lahat.

She decided she was too busy with work para intindihin ang kalokohan ni Miko. Pero nang sumilip, napasapo siya sa noo dahil sa nabasa sa whiteboard.

(/゚ー゚)/ HA HA HA HA(゚ー゚)

Pucha. Nakakahiya talaga.

He had ways in which the simple things become extravagant.

Nakakainis.

Sure, she couldn't hear his voice for the past few hours. Pero ang nakakainis? Hindi nawala ang ingay! Mas lalo pa ngang umingay ang cubicles malapit sa pwesto ni Miko dahil kung anu-ano ang pinagdodrawing ng lalaking 'yon!

Eh di fine. Siya na ang artist.

Siya na ang close sa lahat ng tao.

Palibhasa, walang ginagawa. Parang bata!

When lunch came, it was a good thing na umalis si Miko; may kaibigan daw itong kasama mag-lunch. Jhing wasn't interested on who was that guy with. Mga katrabaho lang niya ang interesado, so she knew that Miko was with Ulysses and Marco – kung sino man ang mga 'yon.

Who cares?

"Lakas ng trip ng lalaking 'yon," July said over lunch. Napapansin na rin ni Jhing na kapag wala si Miko, ito ang nagiging topic ng mga kapwa editors. Not that she was complaining. . .

. . . wait, gusto talaga niya mag-complain.

Pwedeng change topic?

"Weirdo niya," Yayo said as she munched on her bread. "But in a good way. Ang cute."

11/23Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon