Ch25: Na-aftershock syndrome

33.1K 854 121
                                    

Kinakabahan talaga ako ng sobra sa tuwing naaalala ko 'yung ginawa ni John, yung tibok ng puso ko nung ginawa niyang 'yun eh ganun din ang tibok sa tuwing naaalala ko. Nararamdaman ko pa rin 'yung pagdampi ng labi niya na para bang ginagawa niya ulit sa tuwing naalala ko.

Hindi rin 'to isang pantasya o panaginip at hindi na ako nagjojoke.

Totoong nangyari na 'to.

Apat na araw na ang nakakaraan pero grabe pa rin 'yung epekto niya sa akin na para bang nakaramdam ako ng napaka raming boltahe ng kuryente nung dumampi ang labi niya, yung tipong nakakabaliw, nakakaabnormal at nakakaadik.

Abnormal na nga ako mas lalo pa ako magiging abnormal.

Grabe 'yung parang ang saya ko na hindi ko malaman na bawat gabi 'yun na lang naiisip ko, tapos biglang magkakaroon ng something na umiipit sa tyan ko pero hindi siya masakit, masarap siya sa pakiramdam. Ewan ko, ramdam ko pa rin 'yung gulat at saya, saya nung nangyari 'yun.

Pero simula din nun…

 

“Uy!” Umupo sa tabi ko si John at feeling ko, sasabog na 'yung puso ko sa sobrang kaba. Nung hinawakan din niya 'yung balikat ko feeling ko mamatay na ako sa kuryenteng dumadaloy sa palad niya papunta sa katawan ko.

Ang lamig dito sa library pero biglang uminit pakiramdam ko.

 

“U-Uy” Nauutal na ako sa harap niya at ang worst… “Ano, teka may ah… pupuntahan kasi ako, ah sige, alis na ako” Tumayo agad ako pero bago pa ako makaalis talaga.

 

“Sama na ako!” Patayo na sana siya pero pinigilan ko siya sa pagtayo.

 

“Nako, hindi na… ano, mahihirapan ka lang tapos mapapagod tapos mainit pa, sige, bye!” Tumakbo na ako palayo para hindi niya ako mahabol.

 

“Teka!”At pumunta agad sa 4th floor at pumasok sa cr.

Opo, ayaw ko man pero umiiwas ako sa kanya. Ayaw ko talaga pero sa tuwing nakikita ko siya at naririnig ko boses niya o kahit man 'yung pangalan niya, naaalala ko 'yung ginawa niya at feeling ko sasabog ako.

Hindi ko alam kung sa kilig ba to pero hindi ako kinikilig ng tulad ng dati na natutuwa talaga ako pero ewan ko, ang gulo rin eh!

Huhuhuhuhu ano na bang nangyayari sa akin, ang epal kasi nitong si John eh bakit ba kasi niya ginawa 'yun! Kung hindi lang niya ginawa 'yun, eh di masaya pa rin ako di ba?!

Ay wait, masaya pa rin naman ako eh?

PERO EEEHHH, IBA PA RIN EH! Iba tong nararamdaman ko, nakakainis na para akong abnormal na kinikilig pero kinakabahan pero naiilang na hindi ko malaman. Kahit pa sabihin nating “friendly kiss” lang 'yun.

Shit lang, kung ganito pala feeling pagkatapos ng friendly kiss eh di, masaya!

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon