Ch12: At sinong hindi mababaliw sa @ulaaaann

38.2K 1.1K 175
                                    

Kaklase ko siya? Si John, kaklase ko ngayong term?

Ohmygahd.

At talagang sa harap ko siya naupo? Biglang ganun? Hala nakakatuwa naman 'to ahihihihi. Ang pogi naman ng likod niya, ang ganda ng view ko sa kanya, front seat. Ay nako John talaga oh, ikaw talaga. Papansin ka talaga sa akin eh. Ahihihi.

Hindi ako makapag concentrate sa mga sinasabi ng teacher namin dahil hanggang ngayon, kinakabahan pa din ako. Parang naninikip 'yung dibdib ko kahit hindi naman lumalaki. Basta, parang may something wrong pero nakangiti pa din ako. Ganun.

“Enzo...” Bulong ko. Tinignan naman ako ni Enzo na nagtataka.

“Ano?”

“Ano assignment natin kahapon?” Tinignan naman niya ako with naniningkit na mata hanggang sa bigla niyang akong binatukan.

“Problema mo?!” Pabulong pero pasigaw kong tanong.

“Adik ka pala eh, di ba sabi ko sa'yo absent ako kahapon” Ay wait, nakalimutan ko 'yun. Nakita ko kasi si John eh. Ahihihi! Joke lang.

“Ah, oo nga pala”

Napansin ko naman na lumabas ng room 'yung teacher namin kaya automatic na nag ingay ang mga kaklase ko. Daldalan dito, daldalan doon. Music dito, music doon. Pansin kong lahat ng tao dito sa room maingay pero isa lang ang hindi.

Si John.

“Bakit ang tahimik niya?” Tanong ko kay Enzo na pabulong para hindi marinig ni John. Okay sorry pero, hindi ko mapigilan na hindi pansinin eh.

“Ganyan talaga 'yan, tahimik” Tumango tango na lang ako dahil dumating na rin 'yung teacher namin kaya biglang natahimik ang lahat.

May kung anu anong sinabi 'yung teacher namin hanggang sa nabanggit niya ang ‘assignment’. Sabi ko na eh, may assignment kami kahapon. Epal naman kasi ng school, pauso pa 'yung halloween costume eh.

“Hala wala tayong assignment” React ni Enzo sa sinabi ng teacher namin. Naparoll na lang ako ng eyes, stating the obvious lang Enzo? Hahahaha.

Napatingin ako kay John, tahimik lang talaga siya. Minsan nakatingin siya sa teacher, minsan nakatingin siya sa labas. Parang ang lalim ng iniisip, ganun.

Parang, ang mysterious ng effect.

Ang gwapo. Ahihihihi.

Hindi ko na namalayan at nagulat na lang ako sa nagawa ko, kinalabit ko siya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa kong 'yun. BAKIT ZELLE, BAKIT MO SIYA KINALABIT?! ADIK KA BA?!

Unti unti siyang lumingon sa amin. Una siyang tumingin kay Enzo pero tinuro ako ni Enzo na nagulat din sa ginawa ko. Tumingin siya sa akin, nagkatinginan kami.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon