Ch37: Arrythmia

30.4K 813 115
                                    

"If you will practice being fictional for a while, you will understand that fictional characters are sometimes more real than people with bodies and heartbeats." 
— Richard Bach

~ ~ ~

Hindi ako sumagot pa dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Napapikit ako at huminga ng malalim saka dumilat ulit. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko na nahihiya na ako dahil baka marinig din niya 'yun.

Hindi ako mapakali, nakakainis.

Pagtingin ko sa kanya, parang may kung ano akong napansin sa kanya… sa may leeg niya. Teka, hindi chikinini pero parang… pasa? Teka, pasa nga ba 'yun?

Medyo nag zoom in naman ang mata ko sa may leeg niya at finocus ito ng mabuti habang nakatingin lang siya sa kabilang side. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ko na parang kakaroon lang niya ng pasa sa may leeg!

“Bakit… bakit may pasa ka?”

Hindi ata niya ineexpect ang lahat kaya napaiwas siya sa akin at bigla niyang hinawakan 'yung leeg niya para matakpan pero kitang kita ko naman na.

“H-Ha? Wala ah!”

Napakunot ang noo ko at pinipilit tanggalin ang kamay niya sa leeg niya hanggang sa marealize ko na lang na may something na pasa rin siya sa balikat niya at pagtingin ko sa may braso, meron ding kaunti pero natatakpan ng uniform.

Napatitig ako sa kanya ng mabuti at hindi siya makatingin sa akin ng maayos. Nakasimangot ako at nakakunot ang noo pero hindi ako galit, hindi ko kasi alam… ewan ko, parang, anong nangyari?

“Anong nangyari sa'yo?” Feeling ko nagchochoke ako sa sarili kong laway, hindi ko maexplain. Parang kanina feeling ko ang cute na namin tignan at ang romantic na ng ambience tapos bigla kong makikita 'yung pasa niya? At bakit ba parang hindi ko napansin 'yan? Lumayo ako sa kanya para iexamine siya at medyo napansin ko rin na may pasa siya sa mukha pero hindi siya ganun kakita. “John…”

Bumuntong hininga si John at inialis ang kamay niya sa leeg niya at parang feeling ko nasaktan ako dahil nakita ko 'yung pasa na parang bang freshly done.

“Sorry kung nakita mo pa 'to…” Hingi ako makahinga, ang hirap… parang ang sakit niya tignan na parang pati ako nararamdaman ko 'yung sakit.

Sumandal siya sa railing at ako, nakatingin lang sa kanya. Lumapit ako sa kanya at unti-unti kong inabot ang leeg niya pero dahan dahan lang dahil baka masaktan siya.

“Masakit ba?”

Pagkatanong ko nun, tumingin siya sa akin sabay ngumiti—'yung ngiti niyang maamo, 'yung ngiti niyang mabait, 'yung ngiting gustong gusto kong nakikita sa kanya… pero, pero obvious na malungkot siya.

AAAAAHHHH, ayoko maging malungkot si John! Ayoko!!

Just One AnswerWhere stories live. Discover now