Ch44: After effects

31K 840 172
                                    

"As time goes on, you'll understand. What lasts, lasts; what doesn't, doesn't. Time solves most things. And what time can't solve, you have to solve yourself." 
— Haruki Murakami 

~ ~ ~

Prom Queen

Ang pink na nakaburda sa panyong napaka puti na ginamit ko sa paa ko nung prom namin. It’s been a month since that eventful midnight na sa sobrang eventful ay hindi pa natapos ang madaling araw ko nung nagsayaw kami ni masked man dahil nung malapit na matapos ang prom at pagbalik ko sa activity area.

Nawala na si Enzo sa buong activity area pero si John, kitang kita ko na papalapit sa akin. . . sa kinauupuan ko. Tumingin ako sa kung saan mang side para lang hindi siya makita dahil pakiramdam ko, nasasaktan ako.

Palapit siya nang palapit. . .

. . . at parang nawawalan ako ng hininga.

Just when I have the urge to smile, saka naman siya biglang darating para kunin ang mga ngiti ko.

"Anong nangyari?" Tumitig siya sa mukha ko at parang gusto ko siya itulak palayo, pumikit at huwag siya pakinggan. "Bakit nawala make up mo?"

  

"Nabadtrip na ako eh. . ." Umiyak kasi ako dahil sa'yo, peste ka kasi John.

"Ganun?" Tumingin pa lalo siya sa akin tapos ang ikinagulat ko, binigay niya sa akin 'yung mga rosas. . . na may bear--'yung binato ko kanina na hindi ko na nakita. "Nakita ko pala 'to sa labas, naiwan mo ata?"

Nginitian ko lang siya sabay kuha sa mga rosas. Sumakit ang mga kamay ko sa higpit ng hawak ko sa mga rosas. Bakit kailangan pa niyang ibigay sa akin 'to? Nakakainis.

Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Hindi ko sana siya gustong tignan pero kinabahan naman ako nang magsalita siya.

  

"May tanong ako. . ."

"Ano?"

"Pwede bang. . . pwede bang manligaw ako?" 

That for a moment stopped my time--sa sobrang gulat, napapaenglish na lang ako ng lubusan para magmukhang sosyalin akong babae. . .A-ano daw?

Napatingin ako sa kanya at pakiramdam ko, mahihimatay ako. Anong nangyayari? Anong manligaw siya? Ano--teka, hindi ba umiyak ako kanina dahil si Elle ang gusto niya at hindi ako? Ano 'tong--

Pero sana, hindi ko na lang narinig ang kabuuan ng sentence niya.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon