Ch30: Dedications and checkered polo

30.3K 851 156
                                    

“—ahal kita pero… mahal ko rin siya”

♪ ♫ Ngunit kung isa sa inyo'y mawala
'Di makakaya ang hirap na madarama

“Hindi ko kayang mawala kayong dalawa sa akin…”

♪ ♫ Kahit alam ko na darating din ang araw
Na pipili ako kung siya na nga o kung ikaw

“Dahil para sa akin, importante kayo..sobra.”

♪ ♫ Sana dalawa ang puso ko
Hindi na kailangang pumili pa sa inyo
Oh, sana
Oh

“Sana talaga, dalawa ang puso ko. From Jasper” Hindi pa rin tapos 'yung kumakanta pero tapos na 'yung letter na binabasa nung taong nasa dedication booth.

“Well Jasper… goodluck sa lablayp mo, sana lang pagkatapos ng kantang 'to… nasa'yo pa rin silang dalawa. Selfish mo dre!” Sabay nagtawanan 'yung mga tao sa dedication booth. Actually malayo ako sa kanila, nasa isang bench lang ako habang umiinom ng chocolate shake tapos pinapanood ko lang 'yung sa dedication booth. Hinahawakan ko rin minsan 'yung fortune tablet na binili ko na keychain na ngayon ng bag ko, wala lang, ang cool kasi tignan.

Nakaupo lang ako ngayon dahil napuntahan ko na halos lahat ng booth at feeling ko tataba ako pag lumibot pa ako dahil sa mga pagkain na nagkalat.

“Hindi ko kinakaya mga nagpapadedicate dito!” Natatawang sabi nung parang DJ din na babae, lalaki 'yung isa.

“Oo nga—teka, eto daw… teka hahahahaha” Biglang natawa 'yung lalaki sa nabasa niya at may pinatugtog na pamilyar na kanta.

“Sabi nitong nagsulat... 'Ang gwapo gwapo ko lang at para sa akin ang kantang to' hahahahaha”

♪ ♫ Ako na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundo
Sa piling mo, 'pag kasama kita ang nadarama
Ako na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundo

Rinig na rinig pa rin ang tawanan ng mga tao sa dedication booth dahil sa mic at sa sobrang lakas ng tawa nila. Napaface palm na lang ako, lakas apog naman nung nagpadedicate nun hahaha.

Matapos masayang ang 5 minutes ko sa kakarinig ng tawanan ng mga DJs habang tumutugtog 'yung kanta, may isang pangyayari na talaga namang kumuha ng atensyon naming lahat.

“Bago namin umpisahan ang susunod na kanta, maaari lamang po ay tinatawag namin si Rayne at Daniel. Kilala niyo na kung sino kayo huwag na mag inarte, sa gitna po.” Mula sa hindi kalayuan, nakarinig naman ako ng mga naghihiyawan at ingay.

Ang daming nakatingin at syempre likas akong chismosa, tumayo pa ako sa bench na kinauupuan ko para tignan ng buo 'yung nangyayari at ewan ko kung masusweetan ba ako o matatawa dahil 'yung lalaking tinutulak nila na medyo pogi ay parang kumakawala pa tapos 'yung isang girl sa kabilang side eh kyut na parang nagtataka sa nangyayari.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon