Chapter 7 - Uh oh.. Secret Revealed?!

172K 2.8K 170
                                    

Chapter 7: Uh oh.. Secret Revealed!

THE NEXT DAY...

(Barbs' POV)

6am pa lang gising na ako. Walastek, parang di Sabado ngayon ah! Ba't ang aga ko atang nagising!? Ö

May plano kasi ako. Papasukin ko yung school namin. Ala ninja ba.

Baliw baliw ko rin noh!? BAH! Dapat lang! Dapat lang! Baka kung sinong makakita nun tapos ipagkalat na ako yung author ng You're The One That I Want. Grabe lang o.o

Naiimagine ko na nga ang scenario sa Monday. Pagpasok ko sa umaga, sa morning assembly. May entremedidang mag-aannounce na ako si notanotherfairytale. Lahat sila magtitinginan sakin. Define lahaaaaat! Ako naman magpapanggap na keber pa, pero sa totoo lang natatakot nako. Punyeta! Ibubulgar pa na si Cyrus Casabueno si Denn Estrella! Nakampucha. Kastresssssss! </3

Kaya maaga akong nagising. Naka-all black outfit pa ko. San ka!? \:D/ Dapat susuutin ko yung ninja costume ko nung elementary kaso mukha naman akong timang pag ganun -__- Maingat akong pumunta sa sala namin, mala-ninja na talaga. Dapat makaalis ako bago mag-6:30. Mga ganung oras kasi umuuwi sina Mama at Ate Angela. Nga pala, head nurse si Mama sa St. Luke's tapos si Ate Angela naman nagtatrabaho sa Convergys. So it means gabi-gabi kaming dalawa lang ni Ate Cielo dito sa bahay. Kainis.

Bubuksan ko na sana ang front door namin nang.. biglang gumalaw yung doorknob.

Patay tayo dyan! /wrist

*bumukas yung pinto*

Si Mama.

Mama: O Barbara! Bakit gising ka na? *tinignan yung outfit ko* At... bakit naka-all black ka?!

Ako: Heheheheh hi Ma. Wala lang, jogging lang po. ;>

Tinaasan ako ni Mama ng kilay. Hindi benta sa kanya ang palusot ko. Kinaladkad nya ako papunta sa sofa.

Mama: Ikaw, magjojogging sa itsura mong yan!? San ka ba pupunta aber?

Ako: Ma namaaaaan! May kukunin lang ako sa school.

Mama: At ano yun?!

Ako: Notebook po.

Mama: For what subject?

Ako: Math.

Binato nya ko ng throwpillow.

Mama: Barbara wag ka ngang magsisinungaling! Kelan ka pa nagkaron ng malasakit sa Math ha!? Upakan kaya kita dyan!

Ako: Ma kaya mo bang gawin yun!? Upakan ako!?

Then she did a very.. UGH thing. Kinurot nya ko sa singit.

Ako: Ay leche Ma masakiiiiiiit!

Mama: Hala hala! Umakyat ka na sa kwarto mo!! Wag kang mambibwisit!! Sa Monday mo na lang kunin yung notebook mo. Di naman siguro mawawala yun dun. Hala, akyaaaaat!

Nako. Siguro hindi na kayo nagtataka kung kanino ako nagmana diba?! Amazona yang nanay ko! Intense laaaang. Mas nakakatakot sya pag pagod. Huhuhu kaya umakyat nako sa taas. Pano na yung fans ko na naghihintay sa update?! Well, pwede ko namang itype na lang yung mga natatandaan ko. Pero gaaaaaa! Iba pa rin yung nasulat ko e. Maganda na yuuuun! Epic chapter nga e! Pero yung notebook ko.. Huhuhuhu.

If I Fall (Taglish)Where stories live. Discover now