Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends

108K 1.9K 318
                                    

Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends

Probably the longest chapter title ever. Inspired by a song from Fall Out Boy XD

Hmmm.. dumarami ata ang Sethrang ngayon ah? Wala akong ineendorse, mind you. Bayrus, Sethrang, Wesky, Chesnine, Vean.. bahala kayo kung kanino kayo =)))

Comment and vote pag nagustuhan, ayos ba? Tapusin muna ang UD! HAHAHAH :D

--

Magaan ang loob ni Barbs pagpasok nya kinabukasan.

She ended her story last night. After mapublish non, naglog-out na sya sa Wattpad. Ni hindi na sya nagbasa ng comments at messages. Alam nya kasi kung ano ang nakalagay don.

Hindi nya iniisip na career suicide ang ginawa nya. Medyo nagreregret pa nga sya, sana matagal na nyang ginawa yon. Sana pala hindi na nya ginawa ang kwentong yon. Kasi kung tutuusin yon talaga ang dahilan ng lahat ng nangyayari sa kanya ngayon: ang epal nyang kwento sa Wattpad. Maraming "kung di ko siguro ginawa yun, baka..." sentences ang nasa isip nya, pero parang tanga naman ata kung iisipin pa nya yun. Tapos na ang kwento nina Leiza at Denn. Kahit walang closure. Sus, closure? Para lang yon sa madadrama. Kaya lang sila naghahanap ng closure e para mapatunayan sa sarili nila na hindi nasayang ang oras at kung anuman nila para sa isa't isa. Kadramahan. Di para sa kanya yon.

Buti na lang at tinapos na nya ang kwento nya. Tama na ang pagtira sa mundo ng fictional stories! Balik na sa totoong mundo.

Iniisip pa rin nya ang kinwento sa kanya ni Ms. Medina nung isang araw. Hindi pa rin sya makapaniwala na bumagsak si Vivien sa Physics exam nila. Ang mga kaklase nila oblivious sa nangyari, di rin naman kasi pinahalata ni Ms. Medina sa klase na ganun nga, at nasanay na sila na perfect palagi si Vivien sa exam.

Nilapitan nya si Vivien sa upuan nito, habang naghihintay sila sa pagdating ni Mrs. de Jesus.

"Yo Viv!"

Agad namang tumingin sa kanya si Vivien at ngumiti. Narelax sya dun. "Yes, B?"

"Tahimik mo ata ngayon ah? Okay ka lang?"

"Sino bang di tatahimik this week? Haggard kaya dahil sa IP!"

Oral Defense week na pala nila ngayong linggo. Mamaya kasi nakaschedule sina Vivien, Monday.

"Chill ka lang kasi! Masyado ka namang agit dyan eh. Di mo ko gayahin!"

Nag-alala naman si Vivien. "Hoy, kamusta pala IP nyo? Natapos nyo ba yung product at papers?"

Thursday kasi naka-sked ang grupo nina Barbs at Chester. "Onaman! Kami pa?"

"Sure ka? Anything I can do to help?"

"Just tell me that you're okay," she gave Vivien a meaningful stare. Naintindihan naman agad nito kung anong ibig sabihin non. "May problema ka ba?"

"Kelan ba nawalan ng problema ang tao, B?"

"Palaging may problema pero may option naman na karamay."

At that moment gusto nang sabihin ni Vivien kay Barbs ang problema nya kay Lean.. kaso hindi nya alam kung pano sisimulan ito. "I'll tell you pag natapos na kami sa OD, okay? Miss ko na kayo guys. Kahit kumakain tayo ng sabay at nasa iisang classroom, miss ko na kayo. 5 months na lang!"

Natawa dun si Barbs. "Wag mo nga akong dramahan dyan! Pag kayo bumagsak sa OD nang dahil sayo.. ewan ko na lang! Basta goodluck ha! Galingan nyo mamaya!"

If I Fall (Taglish)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora