Chapter 74: Forever Young

111K 2.3K 1K
                                    

Chapter 74: Forever Young

Third to the last update! Malamang may epilogue pa 'to XD Sana magustuhan nyo 'to! As hinted last chapter, Grad Ball ang peg nitong 74.

Comment and vote if you liked the chapter. Ayos ba? Maraming salamat!

*

Last week of classes na para sa undergrads, at Graduation practice week naman for the graduating batch. Eto ang linggong puno ng kadramahan at.. kung anu-anong kaganapan.

-

CHARLESTON HERALD

10 Dahilan Kung Bakit Malungkot Pag Graduation

by Barbara Ramirez

10. Wala ka nang klasmeyt na mauutangan at palaging nanlilivre sa'yo sa kolehiyo.

9. Nanghihinayang ka dahil di mo sineseryoso ang mga QT at exams mo nung first year hanggang third year. Ayan tuloy, nahihirapan kang maghanap ng kolehiyo na mapapasukan.

8. Mamimiss mo ang mga kaklase mo. Yung mga kakopyahan mo, ka-joke time mo, katabi mo sa pagtulog at syempre ang mga kaklase mong MAPAPEL. Pati na rin ang classroom.

7. Di lang pala ang mga kaklase mo ang mamimiss mo. Pati na rin ang mga "special someone"/nakalandian/mga nang-Friend Zone na baka di mo na makita.

6. Mamimiss mo ang mga pagkain sa canteen: pancit canton, chicken skin, buko salad, torpedo, beef teriyaki, French Fries at footlong ni Ate Mayaman. Naku, siguradong mangangayayat ang iba dyan (lalo na ako!!)

5. Hindi na makakapag-net ng libre. Kunwari gumagawa ng activities during computer time pero nagbubukas lang ng Facebook at Twitter!

4. Mamimiss mo ang pagcucut ng klase para kumain nang patago sa canteen.

3. Mamimiss mo ang pagpunta sa office ni Sir Mercado...

2. Mamimiss mo yung adviser nyo. Kung kelan last year na tsaka naging close sa mga teachers.

At ang pinakamalungkot sa lahat?

Nang maisip mo yung mga nasayang na oras na kasama mo yung mga kaklase mo. Ayan tuloy, nanghihinayangka kasi parang sa apat na taon nyong pagsasama, wala kayong bonding at wala kayong nagagawang paraan para maging close kayo.

**

Nang lumabas ang last issue ng Herald, ang daming nagdramang Seniors.

"Nakakainis ka naman B!" halos magusot na ni Janine ang bagong bigay na newspaper. "Ang drama ng article mo!"

"Psh. Ikaw lang kamo madrama! Piece of cake lang yan eh!" pagyayabang ni Barbs. Sinuyod nya ang classroom, at nakikita nyang binabasa ng classmates nya ang article nya. Well sa 4 na article (including ang Last Will and Testament) nya sa last issue ng Herald, masyadong syang hyped. Ilang buwan na lang at mag-aaral na sya ng Journ sa Diliman. Four years to go, sa Philippine Star na sya magsusulat!

Lumapit naman si Wes sa ka-Pugs. "Hoy Barbs! Ba't wala ako sa most stylish? Mr. Senior naman ako ah!"

"Di ka pa ganung ka-fashyown para sakin, Pugs. Try again." Nalungkot naman talaga si Wes dun.

Notable sa Last Will and Testament ang mga pangalan nina Chester at Vivien sa acads, Cyrus at Rocky sa extra-curricular, at mga pacute awards sina Wes at Janine. Kung si Barbs naman ang hahanapin mo, nasa tatlong categories sya: English, Writing and.. sports. Of course, di mawawala yun sa kanya.

Napadpad ang atensyon ni Barbs sa kanilang EIC, na ngayo'y tahimik na nakaupo sa desk nya, binabasa ang issue ng Herald. Last effort na nila yan, plus ang online newsletter na success. No more awkward meetings sa office, she thought. No mo--

If I Fall (Taglish)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz