Chapter 50: The Unopened Letter To The World

104K 2.2K 664
                                    

Chapter 50: The Unopened Letter To The World

As promised, may isang tanong na masasagot sa chapter na 'to. Hindi ko nga lang alam kung matutuwa kayo o hindi XD

Comment and vote pag nagustuhan ang update! Basahin nyo muna kasi. Haha! =))
Chapter title inspired by Unopened Letter To The World by The Ataris XD


-

I have nowhere to go.

Kanina pa ako palakad-lakad sa village namin, paikot-ikot. Ang sama na nga ng tingin sakin nung tindera ng inihaw sa may kanto, tatlong beses na kasi akong napadaan sa pwesto nya.

Saan ba ako papunta?

Ewan.

Gusto ko lang makalayo sa lugar na 'to. Gusto ko lang makahinga.

Bigla ko syang naisip. Sa oras na 'to.. sya talaga ang gusto kong makausap. Bihira lang akong magsabi sa kanya pero pag nandun sa pagkakataon na yun, malaman ang sinasabi ko sa kanya. Tatahimik lang sya saglit, tapos magsasabi ng opinyon nya. Medyo mag-aaway pa kami, hanggang umabot sa realizations namin. Ganun lang kami.

I miss her. That even surprised me. Being with her.. ang gaan ng lahat. Walang problema. As if lahat kaya ko.

Mas nagulat ako nang mapatapat ako sa bahay nila. Di ko napansin na nasa street nila ako. Nandito ako sa harap ng blue na gate. Kabisado ko ang bahay na 'to, palagi kasi akong tambay dito. Dati.

As usual, bukas ang gate. I must remind her to lock this always. Sya lang kasi madalas sa bahay nila, wala ang mommy nya. Workaholic kasi yon.

May secret knock kaming dalawa, at yun ang ginamit ko. Siguro magugulat sya na marinig yong katok na yun. Matagal na rin kasi since gawin ko yun. Sobrang tagal na rin.

Minutes later.. bumukas ang pinto.

Nanlaki ang mga mata nya nang makita ako. "C-cy?"

She's wearing her normal 'house uniform': tank top and jersey shorts. Malayong-malayo sa image nya sa school. Wala rin syang make-up. At kumakain sya ng V-Cut, favorite nya kasi yon.


"You forgot to lock the gate," I said sternly. Hindi ko na naalis ang pagkainis ko.

Sinilip nya ang gate na ngayo'y naka-lock na. "I'm sorry. Kakauwi ko lang kasi. Isasara ko naman then.."

"Then what?"

"You came. Why are you here?"

Oo nga. Ba't ba ako nandito? Matatawa sya pag sinabi kong namiss ko sya. Wala na ata ako sa tamang katinuan. I gently shook my head. "Wala lang, napadaan lang ako sa area. Tara, samahan mo ako magfood trip?"

Hesitant sya. Kahit wala syang sinabi, her eyes gave it away. Matagal ko na syang kilala, kabisado ko na ang arte nya. "You know I can't."

"Dali libre ko. Tsaka wala naman dito mommy mo diba?" hindi sya sumagot. Oh, I get it. "Are you expecting someone else?"

"I'm not expecting no one. Gagawa sana ako ng costume para sa Ball."

Oh yeah, the Halloween Ball. I almost forgot. Hindi pala ako pupunta don. "Saglit lang naman eh. Mga.. 30 minutes? Dyan lang sa kabilang street, may kwek-kwek don."

She lightened up nung narinig nya ang word na kwek-kwek. Yun lang kasi ang kinakain nyang street food. Maselan kasi ang nanay nya with her diet and stuff. I don't understand girls and their diets.

"Wait lang, papalit lang ako."

"You look okay. Come on, the sooner we go out, the sooner you go back. Tara na?"

Tinignan nya ang relo nya, Cartier na regalo ng stepfather nya nung 2nd year. "Fine. I'll get my keys."


Aahh.. just like the old times. Walang gulo, wala masyadong iniisip. I really miss this bubble. Mas nakakahinga ako nang maluwag dito. Konti na lang ang tao sa foodstall na yun, kaya tuwang-tuwa kami. Binili ko sya ng 25php na kwek-kwek, tapos ako naman isaw at betamax. Ganito minsan ang mga date namin. Pasensya kung cheap.

Nag-usap kami about random things: Halloween Ball, Intrams, gagawin next sem at kung anu-ano pa. Masaya sya ngayon, obvious sa mga mata nya. Ganito sya kasaya nung first 2 years namin. Haayy buhay.


Medyo tumahimik kami pauwi. Ewan. Siguro dahil tapos na ang purpose ko dun. Siguro dahil wala na kaming pag-uusapan pang iba. Ngayon lang kasi kami nagkausap since nagbreak kami. Ilang buwan din yon? Almost 6 months. 6 months ago pala nung pinagpalit nya ako sa ibang lalaki. 6 months ago rin nung nagmukha akong gago sa harap ng mga taga-Charleston. 6 months ago na pala nung. Pucha. 6 months ago. Wow. That's too long. Hindi ko inakalang ganun katagal ang hinintay ko para makausap sya nang ganto.


"Hey, we're here." Ay, nasa tapat na pala kami ng bahay nila. Muntik pa nga akong lumagpas eh.

"Sht, sarap pa ng lakad ko!" pa-extra ko. Natawa naman sya. Kaso yung tawa nya, may weird na ending tone. Para bang may something syang hinihintay. Ewan, baka ako lang yun.

If I Fall (Taglish)Where stories live. Discover now