Chapter 54: Are You True?

124K 2.2K 285
                                    

Chapter 54: Are You True?

Salamat po sa pagbabasa ng flashbacks! Sana medyo nalinawan nakayo sa mga pangyayari XD

Back to the regular timeline na sa update na 'to. Comment and vote pag nagustuhan! 

--

ATTENTION SENIORS:
WHAT: TIME CAPSULE VIDEO RECORDING
WHERE: Elementary AVR
WHEN: NOVEMBER 20

-

Kasama sa unofficial traditions ng Charleston ang paggawa ng 'time capsule'. Every batch ay required na magshoot ng video about sa kanilang HS life etc. Pang madrama lang 'to.


"Pucha ayoko magshoot nyan!!"

Nakakailang ulit na si Barbs sa litanya nyang yan. Sapat na kasi sa kanya ang makasama sa Who's Who tapos.. eto pa?

"Uulitin ko: Ano bang problema mo dun?" inis na rin si Rocky kay Barbs. "Magkwento ka lang ng kung ano dun for 5 minutes. Kahit kumanta ka. Wala naman makakaalam eh. Ikaw naman magrerecord sa sarili mo."

"Mukha lang akong timang non."

"Edi umabsent ka!"

"LAGOT AKO KAY MRS. YAP!!!" 

"Sumunod ka na lang kasi, B. Daming arte nito!" dagdag ni Janine.

"Ano naman kasi sasabihin ko dun? Message sa future generation? Tsaka hello, di naman natin makikita yun eh!"

"Pwede naman ah! Sa batch reunion natin!!" sabay na sigaw ng magbestfriend.

Tumahimik na lang si Barbs, baka kasi masampulan sya ng galit ng Clueless Duo. Sa totoo lang kaya ayaw nyang gumawa ng time capsule kasi wala naman syang masasabing maganda tungkol sa HS experience nya. Kung pwede nga lang e kalimutan na lang nya ang HS life. Ano bang sasabihin nya dun? Na sya si Barbara Ramirez, maton etc etc? In ten years time ganun pa rin naman sya, journalist na nga lang.

"Basta B, walang boka! 4 months na lang o!!"

"Oo na oo na! Tititigan ko na lang yung camera for 5 minutes para matapos na."

--

WES' TIME CAPSULE VIDEO

*inaayos ang camera*

Hello hello.. nagrerecord na ba to?

*inayos ulit*

Ayan. Better!

Hello! Ang gwapo ko noh? Haha! Para sa mga makakanood nito 30 or 40 years from now.. ganito kagwapo ang mga tao noong 2000's. Baka kasi mala-Jetsons ang itsura nyo or kung anumang pang sci-fi movies. Nakakalipad na ba ang mga sasakyan dyan?

Ako nga pala si Wesley Rodriguez.. ang incumbent SC President ng Charleston Academy. Isa rin ako sa pinakagwapong player ng Ravens. Itanong nyo pa sa mga lola nyo na batchmates ko, naging crush nila ako nyan!

Hmmm.. where do I see myself 30 or 40 years from now? Baka naglalaro na ako for Lakers. Lakas makapangarap noh? *laughs* De.. saan ba? Ano.. Siguro isa na akong atomic physicist. Tapos makakadiscover ako ng bagong element na papangalanan kong Weslinium. Baka may Nobel Prize for Physics na rin ako nun.

Seryoso ba gusto nyo? Baka lawyer na ako ng mga panahong yon. Ewan. Hindi ko alam. Depende pa siguro kung susundin ko tatay ko. Gusto nya akong maging lawyer para may magtuloy ng law firm namin. Bahala na.

Ano pa ba?

Ano.. masaya naman ang high school. Medyo seryoso na medyo hindi. Parang ganun. Syempre bata pa eh, wala pa sa real world. Pero alam nyo.. kung mabibigyan ako ng chance na makabalik sa nakaraan.. aayusin ko talaga buhay ko. 23 girlfriends? Pucha. Kung alam nyo lang. Magloko sa pag-aaral? Psh. I somehow regret the things I've done before. Kung alam ko lang na makakaapekto yun sa ngayon.. Siguro.. *smiles* siguro kung nagpakatino ako dati.. e di sana hindi na ako mahihirapan ngayon diba? Siguro.. masaya na ako ngayon.. kasi kasama ko na sya.

Kaya kayo.. ayusin nyo ang buhay nyo. Kung alam nyong mali ang gagawin nyo, wag nyong gawin. Akala nyo okay lang kasi nakaraan, pero leche kasi yan. Ang laking epekto sa future.

30 years from now? Sana.. magkasama pa rin kami. Baka sya ang physicist saming dalawa. Tapos.. baka may pamilya na kami. *laughs so hard* T@ngina ano ba tong pinagsasabi ko? Friendzoned nga ako eh!

Sino bang nagsabi sa kin nun? Ay, si Anais, kapatid ko. Sabi nya sakin wag ko raw masyadog seryosohin tong nararamdaman ko para sa kanya kasi high school pa raw kami. Sino ba sya para magdikta ng nararamdaman? Ikaw lang naman ang makakapagsabi kung totoo ba yang nararamdaman mo o hindi eh.

*smiles* 30 years from now, Wes. Baka mapanood nya 'to.. pero sana sabay naming mapanood to. Tapos ipagyayabang ko na natupad yung nasa time capsule ko. Ayos ba?


--

--

Akala ni Barbs yung time capsule lang ang poproblemahin nya. Nagulat sya nang biglang magpatawag ng meeting si Ms. de Vera para sa Herald.

Kakaiba ang atmosphere ng Herald Office nung araw na yun. Expected na nya na katabi nya ulit si Klang tapos nasa harapan nya ang ever-sungit na EIC nila na si Cyrus. Ayaw pa naman nyang makita ang 'epal' na yun after what happened to them. Oo, okay na sila, balik sa strangers phase. Pero hindi makakaila ni Barbs na may ilangan pa rin.

She was surprised to see him sulking when she got to the office. Nandun na rin ang ilang editors at writers. Di nya napigilang kabahan, mukhang importanteng balita ang meron. Katulad ng inaasahan, tumabi sya kay Klang na medyo balisa.

"Uy, anmeron?" pabulong nyang tanong. Napasimangot na lang si Klang. Tinignan din ni Barbs ang mukha ng iba at napansin nya na balisa ang mga ito.

Nadistract naman si Barbs nang tumayo bigla si Cyrus. "So.. narinig nyo na siguro ang balit--"

"Ano bang meron?" di na nya napigilang magtanong. "Sorry kung sa tingin nyo ignorante ako ha pero wala talaga akong clue." Totoo, busy kasi sya sa practice para sa exhibition game na 3 weeks na lang.

Nagkatinginan sina Cyrus at Ms. de Vera bago sumagot ang EIC. "Nagpropose ang school board na bawasan ang budget para sa Herald. Mga 1/4 ang ibabawas nila current budget natin. So.. imbis na bi-monthly.. once every two months na lang ang release natin."

"What?!" sumakit lalo ang ulo nya. Ang dami pa naman nilang pinlanong articles para sa next issues tapos.. 2 issues na lang ang meron sila!?!

Umiral ang katahimikan sa office ng Herald. No one dared to comment about that statement. They all love writing for the newspaper, at ang pagcut ng budget ay isang violation ng kanilang freedom.

"Eh Miss.." baling ni Barbs sa adviser. "Wala na po bang magagawa? I mean.. pwede naman po sigurong pakiusapan ang board diba?"

"I tried to talk to them but no avail, Barbs. Marami kasing kailangang iparepair dito sa school for the expansion. And isa sa mga nakikita nilang pwedeng kaltasan ay tayo."

Humigpit ang hawak ni Barbs sa G-tec nya. Anong mapapala ng mga estudyante sa 2 issues? Dapat nga ang last issue ay memorabilia para sa graduating class! Kahit ba karamihan sa mga estudyante e walang pakialam sa Herald, yung feeling pa rin na makita ang pangalan mo na nakaprint sa newspaper. Nanahimik na lang si Barbs, baka kasi kung anong masabi nya.

"Dahil ganun nga ang decision ng board, we have to find ways para matuloy pa rin natin ang schedule natin sa articles. Kung may suggestions kayo.. please share it to us."

Isa-isa silang nagsuggest ng alternatives kaso maraming difficulties silang naencounter.

"Ikaw, Ms. Ramirez? Wala ka bang isusuggest?" professional na tanong ni Cyrus, walang bahid ng pagkainis o anuman.

"Suggestion? Since lahat naman tayo dito ay nag-iinternet, bakit di natin itry na gumawa na na lang ng online newsletter? Or blog? Walang gastos! Tapos accessible pa for students. And makakatulong pa tayo sa pagsave ng mga puno! O diba?"

Maraming naimpress sa suggestion ni Barbs pero si Cyrus nakapokerface pa rin. Expected na kasi nito na ganun ang isusuggest ni Barbs.

"Ano, comments sa suggestion ni Barbs?" kinilabutan sya nang mabanggit ni Cyrus ang pangalan nya. Medyo malumanay kasi ang pagkakasabi nito.

"Okay lang po yun Kuya Cy! Actually mas madali nga nya. Dun na lang tayo magpost ng features/literary articles na di mapapublish sa 2 issues!"

"Tsaka pwede na rin nating ipost yung contributions ng schoolmates natin. Medyo marami rin tayong di napublish sa previous ish natin."

Umani ng positive comments ang online newsletter ni Barbs, and that made her calm. At least medyo madidistract na sya from her Wattpad fiasco.

Pinag-usapan nila ang division ng trabaho nila para sa newsletter/blog at sa 2 issues. Ang kalmadong Barbs ay napalitan ng medyong nangagalaiting Barbs nang ipartner sa kanya ni Ms. de Vera si Cyrus para sa editing ng articles. That means spending extra time with him. The mere thought of that dreaded her. Of all people, bakit sya?

Nang matapos ang meeting, sadyang nagpahuli si Barbs para kausapin si Cyrus.

"Ayoko kitang kapartner."

Hindi naman tumigil si Cyrus sa pag-aayos ng papel sa desk nya. "Wala kang magagawa. Si Miss na ang nag-assign, hindi ako."

"Sana tumanggi ka na lang, diba? Nakakainis!!"

"Barbs.. para sa Herald, gawin mo na lang please? This is purely journalism stuff. Wala akong dinadalang personal baggage dito, kasi napag-usapan na natin yon."

May point si Cyrus, di nya nakita yon. "Ay sorry, mga perfect pala ang mga tao dito. Bawal magkamali. Sige, bahala na. Handa akong magpanis ng laway para di ka makausap."

"Okay."

Hindi maexplain ni Barbs kung bakit sya naiinis ngayon kay Cyrus. Ang ayos nga ng pakitungo sa kanya nito tapos naiinis sya?

Minsan talaga hindi nya magets ang sarili nya. Sarap batukan.



VIVIEN'S TIME CAPSULE VIDEO


Hi! Sana mapanood to ng 40 something na si Vivien. Maabutan ko pa ba to?

Uhh.. reflections about high school life?

Masaya ang high school! Akala ko nung una.. corny kasi hindi ako pumasok sa isang science high. Boring, hindi challenging.. mga ganun. But I was wrong. Enjoy pala talaga ang high school! I am really thankful na dito ako pumasok. Siguro kung sa ibang school ako naghigh school, hindi ko maeexperience ang mga bagay bagay na 'to. Si Vivien na teenager? Eto, bookish pa rin. Running for valedictorian. Striving to be perfect as much as possible. I devoted my life to studying, kasi dun lang ako nag-eexcel. Sa ibang bagay kasi.. medyo tagilid ako. Hindi ko rin nareach ang goal ko na maging perfect.

Everything's fine until I realized.. I was in love with a guy who could never love me back.

*smiles* This is my third time already. Nothing changed. At sa lahat pa ng tao, sa teacher ko pa. Clichèd masyado noh? Samin kasi.. siguro sobrang labo na maging more. That's because both of us can't handle 'more'. Yeah I know.. this sucks.

High school naman, may college pa. Malay natin sa college mahanap ko na yung pwede kong paglaanan ng more, diba? 

Bakit ko ba 'to pinoproblema? *sighs* Ewan. I should think about my acads and stuff. Mas madaling ihandle yun at may concrete nang sagot. Kesa problemahin ko 'tong love na 'to. Sa 40-year old Vivien na nanonood nito, wag kang umiling dyan! Hindi ko alam kung ano ang magiging result ng mga pinagagagawa ko ngayon. Hindi ko rin alam kung.. nagkatuluyan kayo. Wag mo akong sisisihin ha? Bata lang ako, clueless pa sa buhay. Ineenjoy ko lang kung anong meron ako ngayon. Para may masabi akong akin.
-
VIVIEN'S POV

Gumaan na ang pakiramdam ko after naming mag-usap ni Sir Lean. Wala lang, ang sarap pala sa pakiramdam nun!  Konting tapang pala at kayang magconfess sa crush! Bakit ganun, sa ISWAK eh hirap na hirap si Jeanie na umamin kay Michael? Ako.. okay na! Kaso syempre, may onting drama pa.

*beep beep*

From: Sir Lean

Asan ka?


Okay.. bakit nya ako tinext?

To: Sir Lean

Free cut po sa Econ. Why?

[Punta ka sa lib pag lunchbreak nyo na ah.]

Di na ako nakapagreply kasi saktong lunchbreak na namin. Nagpaalam ako kina Rocky na pupunta akong lib. Ano kayang pakulo ni Sir Lean?

Naabutan ko sya dun sa pinakadulong part ng lib, naglalaptop at parang seryoso sa pagbabasa.

"Sir?"

"May itatanong lang ako sayo. Tara upo!" hinila nya yung upuan sa may right side nya, at dun ako umupo.

"Ano yun s-" Wow. Naka-Wattpad si Sir! At.. YTOTIW ang binabasa nya? Oh gosh.

"Binasa ko tong suggestion mo.. at tamaka, maganda nga. Kaso.. anong masasabi mo sa ending?"

Inisip ko saglit yung ending ng kwento. "Uhh.. I was disappointed sa ending. Kakaclimax lang tapos.. biglang ganun na lang ang ending. Nakakagulat. Medyo sayang. Bakit po?"

Tumango si Sir. "I see.."

"Natapos nyo na po ba?"

"Yup. Mukhang okay naman sya para sa Honors eh. Pwede syang material."

"Gagamitin nyo po sa Honors?!?"

"Oo naman! This is still literature. At maganda ang pagkakasulat nung bandang gitna ng story. Yung ending nga lang.."

"Ang unique nga nyang si notanotherfairytale eh, ayaw magpakilala. Pero mas kakaiba si Mr/s Darcy."

"Mr/s Darcy? Weird. Sino naman yun?" naging interesado sya bigla.

"Author sya na ayaw magpakilala, as in. Di namin alam kung babae ba sya o lalaki. Ang enigmatic lang nya."

"Ah.. sya ba yung author na nagpost sa message board ni notanother?" pinakita nya sakin yung message. Wow, kumampi si Mr/s Darcy kay notanotherfairytale! Oh gosh!

"Reader pala nya si Mr/s Darcy? Nice!" I exclaimed.

"Mabasa nga yang kwento ni Darcy. Anong title?"
"Those Three Words, sir. Alternate universe lang ang peg nya but it's good!"

Sinearch naman ni Sir ang profile ni Mr/s Darcy at binasa ang bio nito. "Enigmatic nga. Oh well, bahala na. Basta malapit na nating idiscuss yung YTOTIW sa class. Makakahingi kaya ako ng soft copy sa author nito?"

"I don't think so, sir. Matagal na syang di nagpaparamdam sa WP e, since nung pinost nya yung last chapter. Marami kasing nagalit sa kanya."

"Haaayy nako.. mga mabababasa talaga. Naiba lang ending sa mga nakasanayan magagalit agad. Di nila magets ang sense ng authors. Haaayyy.."

Natawa tuloy ako sa kanya. "S-sorry sir. Naiimagine ko lang, Wattpad addict ka na after mong mabasa yang Those Three Words. Promise yan."

Nakitawa na rin sya. "Asa ka! Nakakatuwa lang magbasa ng ganto."

We spent the whole break talking about Wattpad. Wala lang, mas okay talaga ang gantong setup. Barkada lang. No feelings attached. Chill lang kami. Walang masasaktan.
-
TATIN'S TIME CAPSULE VIDEO

*smiles*

Hi. I'm Kristina de Asis. Head cheerleader ng Charleston Ravens. And.. I don't know what to say.

I really hate speeches. Speaking in public is one of my weaknesses. Ayoko kasing magmukhang seryoso, kasi di raw bagay sakin.

I'll tell you a secret. I can trust you naman, diba?

I'm a recovering anorexic.

*smiles* Obvious naman diba? I'm too thin. People call me 'Tatin Tingting' behind my back. Totoo naman eh. And I hate this.

Ayokong mastereotype pero.. look at me. I'm like a prized Barbie doll. All smiles.. girl-next-door. Fck, I don't want to be that girl forever.

Siguro 30 years from now.. hindi na ako ganito. Sana malaman na ako by then *laughs* Kasalanan ng nanay ko kaya nagkaganito ako eh. In order to please her, I must maintain my thin frame. Kulang na lang katulad na ako ng starving children of Africa.

What else? My ex and I got back together. Until now nagtataka ako kung bakit nya ako binalikan. Ayokong mag-isip ng kung anong negative tungkol dun. Pero sometimes I feel like I don't deserve him, after what I did to him. They're right, I'm such a b*tch.

Gusto ko na grumaduate! Para makaalis nako dito. Para makalayo nako sa Mom ko. I hate her. To my 40 year old self.. please, don't be like her. Please.
-
Todo iwas pa rin si Rocky kay Wes. Well, hindi naman as in iwas na iwas. Medyo naiilang pa rin kasi ito sa “Thursday” spiel ni Wes weeks ago. Haaaayy..

“Hoy Chel!”

Gusto nang matunaw ni Rocky sa narinig nya. She really hated that pet name, lalo na pag si Wes ang nagsasabi non. Lalo na ngayon na nasa canteen sila. Ang magaling na Wesley Rodriguez ay sumigaw lang naman mula sa entrance ng canteen.. eh malapit sila ni Janine sa may exit.

Tumakbo na si Wes papunta sa dalawa. “Hoy! Next week na birthday mo ah! Manlilibre ka ba?”

Sumama naman ang tingin ni Janine sa ‘ex’. “Have some decency naman, Wes!"

"Hoy libre yon, dapat hindi palagpasin!" kay Rocky naman sya humarap. "Ano na? Manlilibre ka ba?"

"Oo, hindi ka kasama."

Kunwari namang nahurt ang epal. "Grabe.. ganyanan na agad?"

Nakaramdam naman ang bestfriend kaya unti-unti itong umalis sa table. Nang mapansin ito ni Rocky, agad nyang hinila ang isang member ng PAC. "May practice kaya kami! Bye na sa inyo guys!" Hinila nya ang member papalabas ng canteen.

"Psh. Umalis ka nga, Wes. Nakakasama ka ng mood."

"Dapat nga masaya ka ngayon.. kasi nandito ako, diba?"

"Hanep lakas ng powers mo!"

Natawa si Wes. "Sus.. kung malakas ang powers ko.. e di sana dati mo pa naramdaman yon."

Loading pa sa utak ni Rocky ang sinabi ni Wes. Nang magets na nya.. "Dati? What do you mean?"

Napasipol na lang si Wes. "Wala wala! Sige, alis nako. May itatype pa ako sa office na proposal. Basta, birthday mo na next week! At malapit na mag-Thursday, alam mo na ha?" at may matching kindat pa ito.

--

ROCKY'S TIME CAPSULE VIDEO


*nag-aayos ng buhok*

Nagrerecord na siguro noh?

Hi! At hi sa aking.. 40-something na si Rachel Anne Rodriguez! Kamusta naman kaya ang itsura ko nun, diba? Puti na kaya buhok ko?

I really don't know what to say. Ayoko kasing magdrama about 4th year, college and that kind of stuff. May 4 months pa naman kami so walang dapat ikadrama diba?

Ano nga bang gusto kong ishare?

You see.. I have this close friend. We've known each other since we're kids. Magkakapitbahay nga kami eh! Sa iisang school lang din kami nag-aaral. Ayun, okay naman kami nung elementary. Dakilang epal na talaga sya dati pa. Ang malala pa, he was my first kiss. Nung Grade 6. That sucks! Kaya after that.. naging magkaaway kami. The normal love-hate relationship.Ganun.

Pagpasok ng high school.. everything became worse. Basta, ang daming nangyari kaya nagkagalit talaga kami. Ayoko sa kanya kasi.. epal sya. Nawala yung batang kalaro ko dati na nakasuot ng Piglet na tshirt. *laughs*

Just recently.. he confessed that he likes me. How screwed up is that, huh?

Ewan ko.. I don't know how to react. I like him, as a friend. Nothing more. Siguro sasabihin ng iba na.. ay, jackpot ka na dyan teh! Ang gwapo, matalino.. lahat na! Wala ka nang itatapon! Pero bawasan lang ang kayabangan! HAHAHA! Yeah, I see those things.. but what really bothers me is that..

Is he serious about this?

Kaya nga may konsepto ng ligaw para makilala mo yung tao. I get that. Pero applicable ba yun sa mga taong matagal nang magkakilala? Nakakalito lang kasi eh. Si Wes yon. Oh sh*t. Sa mga nanonood nito, tatay ba ng isa sa inyo si Wes? HAHAHA! Patay tayo dyan! *laughs* Hindi mo alam kung nagbibiro sya o seryoso. Kahit sabihin kong familiar na kami sa isa't isa, may times na ang hirap nyang basahin nakakainis!!!

Di ko nga alam ang gagawin ko. Contrary to what they say, madali lang naman ang magmahal. But.. do you know what's the scariest thing about love? Giving your heart, that the scariest part for me. Lahat naman kasi tayo e masasaktan.. kaso sana may preamble diba?

--

Nakita naman ni Chester si Janine na palabas ng canteen na hinihila ang isang 3rd year member ng PAC. Kasama nya sina Jenica at mga kabarkada nito, nagpapaturo ng algebra.

"Kuya Chester?" bumalik ulit sa present si Chester. Si Tam pala yun. "Okay lang po ba kayo?"

"Uhh yeah. Nasagutan mo na ba?"

Inabot nya ang notebook kay Chester. "Opo kaso.. hindi ko sure kung tama ba ako ng pagtatranspose ko."

"Hmm.. tama naman ang pagtatranspose mo.. kaso.. may mali ka sa addition ng signs. Recheck mo."

Sinundan ulit ng tingin si Janine. Kausap na nito si Tatin sa may tambayan ng PAC. Masyado atang napatagal ang titig ni Chester sa direksyon na yun kaya napansin na sya ni Jenica.

"Close ba talaga sila ni Tatin, Kuya Ches?" tanong nito.

"Ha?"

"Sina Ate Janine at Tatin.. close na ba sila dati pa?"

"Yup. Magkasabay silang nag-audition sa PAC nung first year kami. Ngayon lang sila nagkausap madalas."

"Ahh.. kaya pala.. feeling ko talaga nadaya yung sa Christmas program eh."

Tumigil na rin sa pagsasagot ang ibang kabarkada ni Jenica. "Nako teh tama ka dyan! Di hamak naman na mas magaling ka nung audi kesa dun sa babaeng yon noh!!!" comment ng isa.

"Ang drama drama kaya ng sayaw nya tapos sya sa main number? Ano yun, lokohan?"

"Di naman sya magaling sumayaw! Friend pala nya yung president kaya sya nakakuha ng slot!"

"Wag nyo nga syang sabihan ng ganyan!" biglang sigaw ni Chester na kinagulat ng mga kasama. "Magaling sumayaw si Janine, alam ko yun kasi sya nagturo sakin nung Ginoo at Binibini. Kung hindi nyo nakuha yung part, fine. Pero wala kayong karapatan na sabihan sya ng masama kasi hindi nyo sya kilala. 1st year pa lang kayo, may 3 years pa kayo. Gawin nyo lahat para mapasok kayo sa main number!"

Kinuha nya ang bag at iniwan ang mga kasamang 1st year na gulat.

For the first time since the accident, medyo nakahinga nang maluwag si Chester.

--

JANINE'S TIME CAPSULE VIDEO

30 years from now? Hmm..

By that time siguro I am Mrs. Janine Sison, married to Dr. Chester Sison. *laughs* Who am I kidding? Masama bang mangarap?

*sighs* 4 months to go. All I could think about is kung magkakaayos pa ba kami. Matutupad ko pa ba ang goal ko? *smiles* I depended on him too much.. and now na hindi kami magkasama, it's so unnerving. Feeling ko hindi ko kaya.

But I have to be strong. Isa na siguro tong sign na dapat maging independent ako. Time's ticking. Kung pwede nga lang high school na lang forever di na talaga ako aalis dito *laughs*

Okay lang sakin na magbago ang lahat, basta wag lang ang friendship na nakuha ko dito. Okay lang sakin na di kami magkatuluyan.. at least I had the chance to experience this. Blessing na sila sakin, after all that happened to me.

So.. kung may high school friends kayo.. cherish them, okay? Mapapalitan man sila ng ibang kaibigan, dapat may place pa rin sila sa puso mo. Kasi isa sila sa mga dahilan kung magiging ano ka sa future.

-

CHESTER'S TIME CAPSULE VIDEO

Alam nyo bang matagal ko nang pinagpapractisan tong sasabihin ko para dito? *smiles*

Kaso ngayon.. hindi ko na alam kung yun pa ba ang gusto ko. Ang bilis kasing nagbago ng lahat. Kasalanan ko talaga.

Gusto ko syang makasama.. pero naguguluhan ako. Hindi ko alam kung mali ba tong ginagawa ko. Mukhang okay naman ako.. kaso nawawala naman sila sa kin isa-isa.

Si Janine.. mahal ko si Janine. Kaso ayoko syang madamay sa pinoproblema ko ngayon. Ang kumplikado na kasi ng buhay nya. Hindi ko rin kayang maging malakas para samin dalawa kasi kailangan ako ng pamilya ko.

Sabi sakin ni Barbs.. may Messiah Complex daw ako *smiles* Ngayon naniniwala na ako sa kanya. Yung mga maliliit na bagay kaya kong iligtas.. pero etong mga ganto? Bakit hindi ko magawang ayusin?

May support group ako, kasama dun si Jenica. Hindi ko naman sya maiwanan kasi kami lang naman ang nagkakaintindihan ngayon. Kaso nagdadalawang-isip ako.. yun ba talaga ang rason kung bakit nya ako sinasamahan o meron pang iba?

Nga pala, high school lang ako ah. Baka akalain nyong 20 something na ako. Kung mapapanood ko man to 30 years from now.. sana tatawanan ko na lang 'to. Maybe this is just an obstacle before I reach something better. And I think I deserve that better, and hopefully in the end.. it's still with her. 

-

CYRUS' TIME CAPSULE VIDEO

Konti lang naman ang sasabihin ko, this won't take much of your time.

30 years from now? Maybe.. engineer na ako or something. O di kaya journalist. O kung anuman. Heck, I can't decide for myself. Hindi ko naman hawak ang buhay ko eh. Kung pwede nga lang nating piliin ang mga mangyayari satin, e di sana masaya tayo. Kaso hindi. Come to think of it, medyo selfish tayo pag ganun. Pero panget din naman na masyado tayong fatalist. Ano ba tong pinagsasabi ko?

Sa ngayon.. bahala na sa hinaharap. Ieenjoy ko muna kung anong meron ako. Pag masyado kong naghangad ng mga bagay-bagay, baka hindi mabigay sakin. One at a time muna.

Nakakatakot ba ang future? Oo naman. Lahat naman ng mga bagay na hindi natin alam e nakakatakot diba? Nagtatapang-tapangan tayo para makaya natin. Wala kasi tayong magagawa kung puro takot ang papairalin natin. Tiwala lang.

If it's meant to be.. then it is.


--

TUESDAY

Hindi rin alam ni Barbs kung bakit sya napadpad sa Home for the Aged. Umabsent sya para pumunta dito? On impulse lang naman talaga ang desisyon nya. Bumili sya ng 2 dozens ng donut, kagaya ng binili ni Cyrus sa mga 'barkada' nya.

Namukhaan naman sya ng nurse na dating kausap ni Cyrus. "Aahh.. Ikaw yung kasama ni Cyrus dati diba?" she nodded. "Nasa lounge sina Lola Babes. Pwede mo silang bisitahin."

Barbs gave her a tight-lipped smile and went to the lounge. Kinakabahan sya na ewan. Isang beses pa lang nyang nakasama ang mga matatanda pero may connection syang naramdaman. Ang ayaw nya lang ay makalimutan nila yun, considering their age.

Pagbukas nya ng pinto, agad syang nakita ni Lolo Marx. "O, si Barbs ba yun?"

Sumunod na rin sa tingin ang iba. "Hala si Barbs nga!"

She got so scared and excited at the same time. Natatandaan sya ng mga ito! "Yo guys! Musta?" sya na ang pumunta sa mga matatanda.

Tuwang-tuwa naman ang matatanda sa pagbisita ni Barbs. May sparkle sa mga mata, full of excitement. "Barbs!! Kamusta ka na?" sabi ni Lolo Marx.

"Okay lang ako Lo Marx! Eto po pala, donuts! Kain kayo!" Pinagkaguluhan nila ang donuts na dala ni Barbs. Naisip siguro nito na matagal nang di nakakabisita si Cyrus dito since busy sila sa Herald.

Si Lola Babes ay nakaupo lang sa pwesto nito, nakangiting nagmamasid kina Barbs. Nang mapansin ito ni Barbs, agad syang lumapit dito.

"La Babes! Kamusta? Okay lang po ba kayo?"

"Okay lang Barbs. Medyo kakagising ko lang. Teka, Wednesday ngayon ah! May pasok kayo!"

"Umabsent po ako la. Boring sa school." Napailing si Lola. "Naman la! Minsan lang eh!"

"Sige na sige na.. graduating ka naman kaya okay lang. Nako bata ka!!"

"Gusto nyo ng donut?" alok ni Barbs.

"Honey glazed iha. Salamat."

Tuloy lang sa kwentuhan ang mga matatanda at si Barbs.

Namiss talaga nya ang mga ito! Hindi na nya kasi naabutan ang lolo at lola nya both sides kaya siguro sya attached sa mga ito. Gusto nyang maexperience ang magkaron ng grandparents! Pero ang iba naman, pinapadala lang sa home pag di na kayang alagaan. Sumasama tuloy ang loob nya.

After one hour ay nakaschedule na sila na uminom ng gamot nila. That also means rest time for them. Paalis na sana si Barbs nang mapansin nyang naiwan si Lola Babes na nakaupo sa lounge.

Tinabihan nya ang lola. "La Babes! Di pa kayo matutulog?"

"Kakagising ko lang kasi kanina. Masakit likod ko."

Kumuha naman si Barbs ng unan at nilagay sa likuran ng matanda. "Better?"

"Thanks."

Nanood lang sila ng movie sa Cinema One, All About Love. Halos kabisado ni Barbs ang pelikulang to, lalo na yung part nina John Lloyd at Bea na may cassette tape. Nang matapos ang palabas, magpapaalam na sana si Barbs.

"La, sorry po pala sa abala. Namiss ko lang po kayong kausapin."

Lola Babes smiled and squeezed her hand. "Naku okay lang! Buryung-buryo nga kami dito. Miss ka na rin namin! Lagi ka ngang hinahanap pag bumibisita si Tikoy dito eh!" Di napigilan ni Barbs na sumimangot. "O bakit? May problema ba?"

"Wala naman po, La."

"Magkaaway kayong dalawa noh?"

*beat* "Hindi po. We simply cut off our ties."

"E di nag-away nga kayo! I could tell. Alam mo bang.. parehas kayo ng sagot ni Tikoy? Ganyan din sya." Di umimik si Barbs. "Anong nangyari?"

"Di ko rin po alam."

"Hindi mo alam o takot ka lang malaman?"

"I don't know.." may exasperation sa tono nya. "Ang gulo talaga eh. It's like a.. conundrum."

Napangiti bigla ang matanda. "Conundrum. That's his favorite word. Alam mo ba yun?" Barbs shook her head. "Yan ang unang sinabi nya sakin nung nameet nya ako years ago. Tinanong ko sya kung anong nararamdaman nya.. conundrum nga raw. A riddle."

Tahimik pa rin si Barbs kaya nagpatuloy ang matanda.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa pero.. sana kung anuman yon, maayos din."

"Imposible na ata yun, La. Sobra."

"Ikaw lang ang nagsasabi nyan. Malalim na tao si Cyrus. Pag pilit mo syang inintindi, may tendency sya na palalimin pa ang sarili nya. Ayaw nyang may makaintindi sa kanya. Kaya nga nagulat ako nung dalhin ka nya rito. You made him somehow.. shallow. In a good way. That made a statement to me."

Nawarla naman si Barbs na nagEnglish ang lola. Baka nahawa kay Cyrus. "Statement?"

"Na.. he was able to break those walls down. Sa tingin ko.. hindi sya nahirapan na mag-open up sayo. Medyo similar kasi kayong dalawa. Nakakagulat na ang dali nyang nasabi sayo na adopted sya."

"He took me by surprise.. tsaka I told him a secret."

"Pero hindi mo sya jinudge, diba?" Barbs fell silent. Again.

"He had a difficult childhood. Tsaka marami pang bagay.. yet he took the risk by telling you his secret. Finally he was able to tell someone that pe-"

"They got back together."

Napatigil saglit si Lola Babes, at saktong nabawi rin nya ito. "At affected ka dun? Ba't dismayado ka?"

"Siguro dahil sa sinabi nya. Nagsorry sya sakin after nyang sabihin yon. Who the fck says sorry for that? As if I care."

"You care."

Barbs snapped. "No I don't! I never cared about him."

"You cared, Barbs. Takot ka lang aminin yon kasi.."

"He broke my trust," she whispered.

"And you like him."

"HELL I DON'T!"

Biglang tumawa si Lola Babes na lalong kinainis ni Barbs. "Tigas talaga ng ulo mo. Ang akin lang.. Magkakambal ang pag-ibig at pagtitiwala. Hindi ka pwedeng magmahal kung wala kang tiwala sa tao. At hindi ka pwedeng magtiwala kung di mo mahal ang isang tao. Hindi naman kailangang romantic love yon. Kasi hindi ka masasaktan kung wala kang nararamdaman."

Matagal bago nakapagreact si Barbs. "Basta ang alam ko po hindi ko sya minahal o mahal. I don't do the love sh*t."

"Everyone's capable of loving, but not everyone can handle the pain. If only I could explain everything to you.. kaso hindi mo rin maiintindihan. At di ko rin alam kung anong sasabihin. Bata ka pa, Barbs. Marami ka pang oras sa mundo. Ako? Gusto ko lang makitang maging masaya ang apo ko. Hindi naman sa pambobola pero masaya sya pag kasama ka nya. He has a weird way of showing it though."

Weird way? Wow, wag na lang. "Ang dali nyong namng sabihin na may gusto ako sa kanya. Pano kung wala? Pano kung may gusto akong iba?"

"Sakin mo ba talaga tinanong yan o sa sarili mo?" Barbs rolled her eyes. "Hindi ko naman sinasabi na maging kayo. Gusto ko lang makita syang masaya. At ikaw rin. You'll be forever burdened with that feeling pag pilit mong nilalayuan yan. I'm not gonna live forever, Barbs. Just.. don't give up on him please?"

Napadpad ang mata ni Barbs sa palabas sa TV. Pepe en Pilar nina Gabby Concepcion at Maricel Soriano ang palabas. Favorite ni Barbs yan nung bata sya, pero ngayon parang nainis sya. "I don't think I can do that."

"But you will."

She let out an exhausted sigh. Maglola nga silang dalawa. "Bakit ang dali para sa inyo na magconclude?"

"Akala mo hindi ka transparent.. pero sa totoo lang madali ka lang mabasa. Magaling kang manloko ng tao, pero ako hindi mo ko madadamay dyan. Hindi mo man sya mahal ngayon pero may katiting kang nararamdaman sa kanya. Pwede yang mag-evolve, pwede ring hindi. Pero wala kang magagawa, di mo yun mapipigilan."

Natawa na lang sya, ending argument na yun ni Lola Babes. "For an old woman you really still have that sense. God I wish you're wrong."

Lola Babes flashed her victory smile. "God knows I am right, Barbara."

--

BARBS' TIME CAPSULE VIDEO

*stares at the camera for a minute*

5 minute-message? Are you fcking kidding me? Sayang lang laway ko sa pagsasalita sa harap ng camerang 'to. Ano ba mapapala ko dito ha? Di ko nga alam kung buhay pa ako 30 years from now eh.

*stares again*

Fck, let's get this over with. Ako si Barbara. Kung bata ka, baka kilala ako ng nanay mo. Kita mo itsura ko? Di talaga ako ganto. Mga g@go kasi mga kaklase ko, pinilit ako maging muse. Alam kong wala sa itsura ko ang maging muse, pakyu wag kang judgemental dyan!

30 years from now? Siguro patay nako. Morbid ba? We'll never know, that's why it happens, right? False optimism lang to. Masama ba?

Sige, ayusin ko na. 30 years from now? Siguro isa nakong investigative journalist. Baka sa PDI or PhilStar na ko nagtatrabaho. Baka may bahay nako sa White Plains o kahit condo lang sa Serendra. O kahit saan na sosyal, just in case hindi na nag-eexist ang mga lugar na yun in the future.

Marami akong gustong sabihin. Hindi ako emotionally stable ngayon. Itsura kong to, pinoproblema ang isang lalaki? P*ta lang diba? *laughs bitterly* De, ayoko na nga problemahin. Paker lang talaga diba? Pasakit sa ulo! Bakit ko pag-aaksayahan ng oras ang isang taong alam kong walang pakialam sakin? Na iiwan din ako? Sana inubos ko na lang sa ibang bagay ang pagsusunog ko ng neurons eh! Hindi sa kanya!

Akala ko nung una.. okay lang na mag-open up sa kanya. He seems very nice to me kahit nakakainis sya. Akala nga, leche yang salitang yan. Bakit ba may konsepto ng akala? Hindi ba pwedeng makita na lang natin agad ang totoo sa hindi? Leche, kung wala yang AKALA, e di sana walang naaaksidente, namamatay at umaasa. P*ta lang kasi. Lalandi!!!

Bakit ba ako ganto? Ewan. Kasalanan ko kasi. Of all guys, why him? Ang dami ko namang kaklase dun pero sya pa ang pinili ko. Leshe. Sarap tusukin ng hippocampus ko o dukutin ng medulla oblongata ko. Shet.

Ano bang tinutukoy ko? *laughs* Sige, tutal ako lang naman makakaalam nito. And if ever man mapanood to 30 years from now, di rin nila maiintindihan. Baka kasi wala nang Wattpad nun. Makakalimutan na ng mundo ang YTOTIW. Atin-atin lang to ha? Alam mo ba yung Wattpad? Website yun for online stories. May isang story dun, yung You're The One That I Want. Shet ang corny ng title diba? Alam mo ba kung sinong author nun?

Si notanotherfairytale.

Ako si notanotherfairytale ng Wattpad. Isa akong teen fiction writer. That's right. Ang isa sa non-conformists ng Charleston Academy, maton.. ay isang writer. Based yon sa buhay ko, ng mga kaibigan ko.. at lalo na nung eps na si Cyrus Casabueno.

*stares*

*laughs hard* T@NGINA FEEL NA FEEL KO PA!!! AYAN!! AKO SI NOTANOTHERFAIRYTALE! KELAN MAN DI NYO MALALAMAN NA AKO YUN!!! Kung mapapanood man to ng batchmates o readers ko 30 years from now, tawanan nyo na lang. Kasi walang kwenta yon.

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon