EMO

433K 8.1K 1K
                                    

[Di ko alam kung paano ipapaliwanag tong chapter na 'to. It just came up into my mind.]

 

 

Art's POV

One week since nung nagbreak kami ni Dianne. After that incident. Wala na kaming communication. I mean, yes may mga number pa kami sa isa't isa but wala na yung gaya ng dati na text at tawag.

Di ko naman dapat maramdaman 'to. Like, nalulungkot ako sa sobrang tahimik ng unit ko. Wala na yung maingay na bunganga ni Dianne. Ang malakas na volume ng tv pag nanunuod sya. Ang kahol ni Chichi kapag naghaharutan sila.

Nabibingi ako sa katahimikan.

Bakit feeling ko naiinis ako sa sarili ko? That breaking up with her is the biggest mistake that I've done? Na para bang maling mali yung decision ko?

Why do I feel an emptiness? Na malungkot. Na para bang walang buhay. Na hindi masaya. Na walang thrill. Yung parang si Dianne lang ang rason kung bakit ako sumasaya that my life is colorfull because of her. That without her my life is a mess.

I look at my unit. It's g*damn clean. Pag andito si Dianne it's a mess. Yung pinagkainan nyang snacks, yung pinaglaruan nila ni Chichi, yung pinaghigaan nyang couch, yung pinaglutuan nya at ginamit. Yung mga gamit kong kinalkal nya. Lahat makalat. And i will says 'Dianne ligpitin mo yan!' at magmamadali syang ayusin lahat yun habang walang sawa sa pagkuda like,

'chichay! tulungan mo ko!'

'Chichay wag kang magkalat!'

'San ba nakalagay to?'

'hindi ko abot!'

'pagod na ko!'

Napangiti na lang ako pag naaalala ko yung mga reklamo nya. Pero ginagawa pa din nya dahil takot syang mapagalitan ko.

I go to my bed at nahiga. At p*tanginang yan! Napapamura na lang ako sa lungkot na nararamdaman ko, before, we used to sleep here, on my side, hugging me, flirting with me, saying sweet nothings, until we fell asleep.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon