Face to Face

257K 4.8K 762
                                    


Dianne's POV

Ipinarada ko ang kotse ko sa harap ng SC, may general meeting kami ngayon. Nagmamadali na akong naglakad dahil medyo late na din ako.

Di ko na pinansin ang mga staff na bumabati sakin, medyo maraming tao ngayon ah .. napansin ko lang.

Umakyat agad ako sa second floor ng SC na nakasarado pa dahil gabi lang yun binubuksan, pero nagulat pa ako ng makita kong si Sachi lang at si Art ang nandoon.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Art, tapos si Sachi papalit palit ng tingin samin.

"Nasaan sila?" tanong ko kay Sachi at nag cross arms pa.

"Ahm.." inayos nya yung salamin nya at tumingin sakin. "Si Cass at Biboy, nagpa check up, si Dale at Asha may family problem daw, Karla and Michael are on the way, si Veronica sinundo si Ruki eh. Pasensya na talaga." hinging paumanhin nya sakin.

Nagpakawala lang ako ng buntong hininga at naupo.

"Sir Sachi, may complain sa table two, gusto daw po kayong makausap." tawag sa kanya ng waitress.

"Iwanan ko muna kayo, I'll just check the table number two." nagmamadali syang tumalikod.

Awkward. Yun yung feeling na kaharap mo ngayon ang Ex mo. Ewan ko ba, feeling ko ako yung may kasalanan dahil hindi ako makatingin ng maayos sa kanya.

"What's between you and Hubert?" tanong nya sakin.

Agad na nangunot ang noo ko sa tanong nya.

"Why do you care?" nakataas ang kilay na balik tanong ko sa kanya.

"Just answer my question.."

"What for?"

"Tell me .. ganon mo ba ko kadaling pinalitan? Ha?"

"Watch your word Art, ikaw ang nagpalit hindi ako."

"You know, it's hard to break up with hou, na nasaktan din ako para rin sayo, at masakit makitang ganon mo ko kadaling pinalitan!" puno ng hinanakit na saad nya.

"Bakit hindi mo itanong sakin kung nasasaktan din ba ako sa nangyayari? Kung may mas nasasaktan sating dalawa Art ako yun .. dahil binitiwan mo ko sa mga panahong gusto ko pang kumapit sayo!" tumulo yung luha ko as I say that.

"Dianne, ginagawa ko 'to para sa'yo, sana maintindihan mo ko."

"At sana maintindihan mo din na ginagawa ko 'to para masanay na ko na wala ka sa tabi ko. Ayoko ng umasa Art.."

"Dianne I told you, babalikan kita, aayusin ko lang 'to, I have a plan for both of us .." tiningnan ko sya sa mata, and it seem that he's confused.

"Tama na Art. Maybe it's better to be like this. Hayaan na natin, sitwasyon na ang mismong nagsasabi, hindi tayo pwede. Hindi ko na kaya .. I give up .." saka ako tumayo at naglakad .. Ayoko na talaga.

Ayoko ng masaktan.

"Dianne no .. please." i felt his hot body on my back. Niyakap nya ako. Mas lalo akong naiyak ng maramdaman sya. "Please .." pakiusap pa nya.

Marahan akong umiling at inalis ang kamay nyang nakayakap sakin. How I miss his hug, his kiss, his love. Miss na miss ko na sya .. sobra.

Nakatungong humarap ako sa kanya, ang sakit sa dibdib makitang nasasaktan din yung taong mahal mo.

"Art .. let's end this. Suko na ako, di ko na kayang makihati ng atensyon mo. Alam kong mahal mo pa din ako, nararamdaman ko yun, pero hindi ko na kasi kaya yung sakit habang nakikita kang kasama sya, hindi pa kayo nagpapakasal pero sobrang sakit na dito.." tinuro ko yung dibdib ko. "I wish I'm strong, na kaya ko lahat ng  makikita ko. Pero hindi Art I always says kaya ko, pero deep inside i'm tearing apart, yung lumalaban lang pala ako sa wala, na niloloko ko lang pala yung sarili ko. So Art .. kahit masakit, bibitaw na din ako .. di na ako aasa na babalik ka pa .. I'm sory."

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon