Always be my Baby

489K 8K 944
                                    

[ Para sa'yo.. Ayt! ]

Dianne's POV

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, isang linggo na pala kaming break. At ganito pala yung feeling no? Masakit na nakakabaliw! Parang gusto kong magpakamatay, I miss my Baby A so much! Pers broken heart ko itech. At ang aking heartlalu nagdudugo. Huhu bumalik ka na Baby!

"Dianne! Dianne! Diaaaaaaannnnneee!"

Hinanda ko na ang aking throw pillow sa kung sino man ang taong ito na iistorbo sa pag eemote ko!

*boogsh!*

Right after the door open, binato ko na sa kanya yung unan na hinanda ko kaepal naman kasi!

"Awww naman Ate! Makabato wagas?!"

Si Cass pala to! Ano naman kayang kailangan nito at naligaw dito?!

"Wow lang ah! So totoo pala ang sinabi ng katulong, na andito ka pala? Bago yan ah!"

Inirapan ko sya at tumalikod, wala akong ganang makipag usap sakanya, katulad ng wala akong ganang mabuhay..

"Oyyy anong peg yan?"

Again, deadma lang.

"Oh sya, aalis na ko, pero pinapaalam ko lang sa'yo na meron tayong session bukas sa SC, at pupunta lang naman ang Baby A mo! Oh sige! Ciao!"

Si Baby A pupunta? Hihi biglang nabuhay ang kaluluwa at katawan ko sa sinabi ni Cass. So ibig sabihin magkikita kami ni Baby A? Sabi naman nya we're still friends daw diba? Excited na kong makita ulit sya!

At dahil dun, napatayo ako at naghagilap ng masusuot sa closet ko, hmm ano kayang maganda? Hihi I can't wait!

---

"Lalala lalala lala .." pakantang bumaba ako sa hagdan habang pa sway sway pa.

"Awww .." letche! Natipalok pa ako. Eh kasi naman! Magpilit daw bang mag high heels? "Tss tsss tss .. Ngayon ka pa umatake! Kashungaan!" kinakausap ko ang shunga kong heels! Kainis naman! Ang ganda ganda pa naman ng attire ko ngayon! Black dress with high heels.. tapos pumalpak pa! Anak ng tipaklong nga naman!

Iika ika akong naglakad paakyat, pabalik sa kwarto. Nakakainis naman!

Naghagilap ako ng heels sa kwarto ko kaso wala na talgang babagay sa dress ko.Alam nyo ba kung bakit ako nag heels? Kasi .. ganto yan, para naman dagdag height at madali kong ma acces ang pinkish lips ng malandi kong boyfriend! Este ex boyfriend pala! Ex na nagkikiss pa? Tanong ng isang part ng utak ko. Di ba pwedeng makipagbalikan? Hihi .. joke lang! Peace! Ahh basta gusto ko lang maging maganda sa mata ni Baby A.

Nakita ko ang flat shoes ko. Hmm dress at flats? Eeew .. pero sige nga! Change attire tayo! Hala ! Ibalandra ang legs! So nag maong shorts ako at nakita ko ang isang damit na never ko pang nasuot sa buhay ko. Backless blouse..

Inipit ko pataas ang buhok ko. At nagheadband. And ready! Off to go!

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan. Alam nyo kung bakit? Kasi baka mahuli ako ng tatay ko na naka backless! Patay ako nyan! Baka matanong ako na 'gusto mong magka pulmonya?' ayoko tay! Swerte naman ako ngayon kasi nakalabas ako ng buhay, so nag drive ako papuntang SC.

Kinabahan agad ako pagbaba ko, yung tipong excited lang makita yung mahal nya? So naglakad ako syempre pasosyal effect!

Tumutugtog yung kantang Glamorous sa background, para tuloy akong nasa fashion show with a dimlight. Nakita ko naman agad ang table nila Cass. Wala pang happy hour kaya di pa masyadong magulo at maingay. Napatingin sila Cass sakin ng tipong nagsalita si Dale ng 'Oh ayan na pala si Ate Dianne eh!' saka tinuro ako.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Where stories live. Discover now