Last day

344K 5.7K 669
                                    

Art's POV

"Ihahatid na kita." sabi ko kay Dianne paglabas nya ng cr at nagpalit ng damit. Yeah dito sya natulog and it's already six am in the morning.

"No need, dala ko yung sasakyan ko." naka maong short na sya at blouse. Pinagpalit ko kasi sya ng damit bago umuwi.

Napatango na lang ako at di na nagsalita, pinagmasdan ko lang syang ayusin ang damit nya at tumingin sya sakin.

"Gotta go. Just keep in touch." tumalikod na sya pagkasabi noon at at dumiretso sa pinto ng unit ko. "Bye." ni hindi nya ko niyakap or hinalikan bago umalis. Nakita ko yung pagkislap ng mga mata nya tanda na naiiyak sya. Hinawakan ko sya sa kamay at pinigilan umalis, niyakap ko sya.

"Cry. Just cry." and right after i whisper that naramdaman ko na ang pag alog ng balikat nya at ang pagiyak nya.

"Baby A bakit ang sakit? Mahal lang naman kita ah? "

"I'm sorry. I'm sorry." hinalikan ko ang buhok nya. Naramdaman ko ang mahigpit nyang pagyakap.

"Ayoko ng umalis. Ayaw kitang iwan. Ayaw ko ng nararamdaman ko, nasasaktan ako, nag aalala, napa paranoid ako na baka pagbalik ko may iba ka na." niyakap ko sya ng mahigpit.

"Di mangyayari yun, promise."

Tiningnan nya lang ako at nagpahid ng luha nya.

"I trust you Baby A." then she smile, a bitter one. "Wag mo na kong ihatid, baka hindi ko kayanin." tuloy tuloy syang tumalikod at dumiretso sa elevator.

Gusto ko syang pigilan at sundan, magmakaawa na wag nya kong iwan, dahil kahit ako natatakot, natatakot na baka makakita sya ng iba, na baka marealize nyang mas marami pang ibang mas deserving para sa pagmamahal nya.

Di ko na kinaya at sinundan ko sya, pumasok ako sa elevator at bumaba sa carpark, nakita ko syang nakatayo sa tabi ng sasakyan nya. Umiiyak, hindi nya maipasok ang susi para mabuksan ang pinto, ramdam kong nasasaktan din sya. Pinagmasdan ko lang syang ganoon, hanggang sa mabuksan nya yung pinto at pumasok sa loob, matagal bago nya pinaandar ang sasakyan nya, at tuluyan ng umalis.

Bumalik ako sa unit ko at nag ayos ng mga gamit, babalik kasi ako sa Pampanga para makapag isip isip bago ko harapin ang Company ni Grandma. Kailangan kong pag isipan ang bawat gagawin ko. Para matapos na at maayos ang gulong ito.

Sa cr kung saan naligo si Dianne ay naiwan pa nya ang damit na suot nya kagabi, napapangiti na lang ako habang sinisimsim ang mga ito. Pagkatapos kong maligo ay inayos ko ang mga damit at gamit na dadalhin ko. Nakita ko pa sa kabilang side ng drawer ko ang mga damit pamalit ni Dianne. Wala ng gagamit nun, sa loob ng isang taon. Isang taon, mabilis pero masakit.

Nagbihis ako at inaayos ang sarili ko sa tapat ng salamin, nakita ko naman yung kuwintas na bigay ni Dianne nang birthday namin.

Lahat halos ng nakikita ko ay may ala ala ni Dianne pati nga pagkatao ko ay nakikita ko sya, sa pananamit ko at pati sa ayos ko, lalaking lalaki na ako. Dahil sa kanya.

Masarap pala maging lalaki lalo na at si Dianne ang nagmamahal sa'yo. Wala akong pinagsisisihan, sa nabago sa buhay ko, masaya ako na si Dianne ang babaeng bumuo ng pagkatao ko. At ayaw kong masayang ang tatlong taon na pagtyatyaga ni Dianne sakin, gusto kong gantihan ang ginawa nya ipaglalaban ko sya at gusto kong maging proud sya sakin. I wanna give everything to her, everything that I can.

-

"Nakalimutan mong andito ako, You know Art kahit ano ka pa matatanggap kita, I can understand you, kung may dapat ka mang kausapin ako yun, dahil ako ang Ina mo, at tungkulin ko ang intindihin ka." napatungo na lang ako sa sinabi ni Mama.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Where stories live. Discover now