Isang taon

347K 6K 961
                                    

Salamat sa Book Cover. Para sa'yo to :)

Dianne's POV

"Ayoko ng makikipagkita ka pa sa Art na yun, putulin mo na ang ano mang ugnayan nyong dalawa." litanya ni Lola.

Napasubsob na lang ako sa sofa ng sala namin, nakita ko pa si Dale sa kabilang side, nagmake face ako habang nagsesermon ang pari este si lola. Natatawa naman si Dale sa ginagawa ko.

"Dianne! Answer me!"

napatayo ako sa lakas ng sigaw ni Lola!

"Opo!" tumatangong sagot ko pa.

Saka sya tumalikod at iniwan kami. Napatingin ako kina Cass at Dad.

"What's the question?" takang tanong ko.

"Break-in mo na daw si Art." napalaki ang mata ko sa sagot ni Cass.

Naiiling na tumalikod si Dad samin at iniwan din kami. Napatakip ako sa bibig ko.

"Opo." pangagaya ni Dale sakin habang tumatawa pa.

Inirapan ko sya. "Opo." gaya ko din. "Opo, di ako susunod." nangingiti kong sagot.

"Haha sira ka talaga Ate!" bato ni Karla sakin ng throw pillow.

"Yung totoo nasa telenobela ba kayo ni Art?" natatawang tanong ni Veronica.

"Ganoon talaga, drama ang tema ng pag iibigan namin eh." chill na sagot ko haha.

"Ang drama nyo nga kanina may pa iyak iyak ka pa feel na feel mo!" asar ni Dale sakin.

"Kapag ikaw nagkaron ng madramang lovelife Dale ako unang unang tatawa." balik asar ko sa kanya.

"Ano ba Ate! Rated SPG ang tema ng  love story nyan! Haha.. " asar din ni Karla.

"Tama tama!" agree ni Veronica.

"Por que ba Hot ako, spg na agad?" halatang naaasar na si Dale, pagtulungan ba naman namin eh.

"Sus! Asar talo ka lang kay Ate Dianne eh!" sabi ni Biboy.

"Ano ba! Sabi ni Mommy respect the elders daw. Rumerespeto lang ako sa nanakatanda sakin!" natatawang sagot ni Dale.

"Wag mong sabihin mas matanda ako sayo!" inis na sabi ko.

"Hindi ko sinasabing  mas matanda ka sakin ng six years Ate ah!" sa sobrang asar ko binato ko sa kanya yung throw pillow na binato sakin ni Karla.

Saka kami natahimik lahat.

"So ano ng plano nyo ngayon Ate Dianne?" tanong ni Michael sakin.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti. "Everything will be ok. Sabi nya sakin, aayusin nya daw kaya magiging ok din kami." nalungkot ako ng maalala yung nangyari kanina.

"Magiging ok din yan." tapik ni Sachi sakin.

"Thankyou guys." sabi ko sa kanila.

"Sayang yung pagkain! Diko tuloy natikman yung Lechon!" nanghihinayang na sabi ni Dale.

"Oh paano mauuna na kami. Nakakapagod yung byahe eh." paalam nila at isa isang nagsialisan.

Pagkaaalis nila ay umakyat nako sa kwarto ko. I even wearing my dress. Mapait nalang akong ngumiti at hinubad yun. Matutuloy din ang Engagement namin, tiwala lang.

Nahiga ako sa kama ko at nagdial. Tinawagan ko si Art pero walang sumasagot.

Tinawagan ko nalang si Jobel, yung pinsan ni Art.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Where stories live. Discover now