TDG Book 2 - Chapter 13

127K 1.1K 380
                                    

TDG Book 2 Chapter 13

(A/N: Hi guys! :> Nako eto na, judgement day na! Ilang beses kong inedit to, kinakabahan kasi ako. Mukhang hindi ito masyadong pasabog eh :(( Pero kayo na lang magjudge kung pasabog to or what. Gaaad I am so nervous! Don't hate me please? :D)

PREVIOUSLY..

A knock on the door interrupted him from cleaning the living room.

"T@ngina naman Keith! Pwede namang ipagpabukas yang jacket mo!! Kainis," he muttered under his breath. Kinuha nya yung gray jacket ni Keith at sinukbit sa balikat nya. Iniisip nya kung ibabato ba nya sa mukha ni Keith to o iaabot na lang ng matino. Inangyan, lasing na sya. Manggagambala pa.

"Ano ba Keith kala ko ba bukas mo pa to kukun-"

He stopped in mid-sentence.

Buti na lang pala at hindi nya binato yung jacket.

Jersey stood in front of him, na nakayuko. She slowly faced him. Teka.. imagination lang nya ba to o talagang parang umiyak sya? Che, lasing ka lang.

Before he could say anything, inunahan na sya ni Jersey.

"Happy Birthday, Kevin. Do you have a minute? I really need to talk to you."

At that moment, he wanted to own eternity. Just to talk to her.

------------------

Sabi nga ng nanay ni Ted Mosby sa How I Met Your Mother, "Nothing good happens after 2 am. Just go to sleep!"

Sus, parang matatandaan ni Kevin yang isa sa favorite line nya from his favorite show. Lasing sya e. Birthday nya kahapon. At eto, nasa harapan nya si Jersey na nakatitig lang sa kanya.

T@ngina, may amats na ata talaga ako. Deh Kevin, nanaginip ka lang. Hallucination mo lang yan. Hindi yan si Jersey. Matulog ka na at bukas may aasikasuhin ka pa.

The Despicable Guy Book 2Where stories live. Discover now