Special Chapter // 3

168K 1.8K 171
                                    

NOVEMBER 19

May gathering ang barkada ngayong araw na 'to. November 19 ang anniversary ng soon- to-be Mr. and Mrs. Inciong na sina Paolo at Kat. February 12 ang kasal ng dalawa na sina Jersey, Jicker at Sath ang nag-oorganize. Excited silang lahat sa wedding kasi sila na lang ata ang ikakasal sa kanila.

"Sakit mo naman sa ulo Je!" reklamo ni Sath sa bestfriend nya. Kung makakuha kasi ng cordon bleu si Jersey aakalaing mong mag-uuwi ito sa bahay.

"Eehhh ang sarap talaga nito!" she said in between bites. "You should try this!"

Medyo lumayo si Sath sa bestfriend nya. "Oh no. Nagdidiet na ako ngayon so I have to watch what I eat."

"Taray naman nito! Pa-diet diet ka na teh! Baka pumayat din sina Nate at Tyler dyan sa kaka-diet mo!"

Napunta ang tingin nilang dalawa sa mga asawa nila na nasa table. Si Kevin kalong-kalong si Tyler, tinuturuan na naman ata ng "ice cream-booger" baby talk, habang pinapakain naman ni Jerro si Nate ng lasagna.

"Pssst. Excited na ata yang asawa mo. Gusto na atang iuwi si Tyler sa inyo!" natatawang sabi ni Sath.

Jersey smiled, natutuwa sya ngayon kay Kevin. Alam nyang kinakabahan din ito pero nakakatuwa na sinusubukan nyang iovercome yon. "Oo nga eh. And look who's here! Ang bagong Patty B ng barkada!"

Saktong pumasok sa bahay ni Paolo ang Romero family. Hindi pa rin halata kay Amae na almost 3 months na itong buntis.

"Kaaaaat! Happy Anniversary! Sorry we're late!" pagbati nya sa kabarkada at beso-yakap mode muna saglit. Inabot naman ni Keith ang isang bote ng wine kay Paolo.

"Grabe Amae! Hindi halata, promise!!!" exclaimed Kat.

"Tss," Keith shrugged. "Kung alam nyo lang kung san kami galing before this." Siniko sya ni Amae. "What? Your ice cream binge really scared me. Buti na lang kasama natin si Jess."

"Sorry, I am pregnant. Again. At pasalamat ka na hindi ako katulad ni Jersey kung maglihi." She waved apologetically to Jersey, na nasa table na ngayon.

Minutes later nagsettle na ang barkada sa table, just like the old times, plus their children. Ayaw na atang isauli ni Kevin si Tyler sa mga magulang nito, tapos sina Nate at Jessica naman pinag-aawayan ang cheesecake na binake ni Paolo.

"Hoy Je," biglang tanong ni Kat. "Ba't ba ang tagal nina Jicker sa Vegas? Almost one month na sila dun ah! Yung wedding preps kasi.."

The Despicable Guy Book 2Where stories live. Discover now