TDG Book 2 - Chapter 40

111K 935 270
                                    

TDG Book 2 - Chapter 40

(A/N: Chapter 40 ang Book 2.. alam nyo na siguro kung anong ibig sabihin nun. Haha! :D Anyway, dahil hindi ko kayo matiis.. at gusto kong maglabas ng stress bago ako magreview sa Chemistry lab exam ko sa Tuesday.. mag-uupdate muna ako. Maikli lang 'to, promise. Sa sobrang ikli nito feel ko magsisisi kayo kung ba't nyo pa 'to binasa. HAHAHAHAH joke lang! :>)

---

(NORMAL POV)

Hindi rin alam ni Jersey kung bakit nya hinalikan si Marlo. As in. Ayan kasi ang problema nya, hindi nya macontrol ang rage blackouts nya. Pag sobrang sama ng loob nya, parang magkakaron sya ng blank moments, at God knows what will happen next.

At alam natin kung anong nangyari right after nyang makita yung picture ni Kevin.

Hinalikan nya si Marlo. Si Marlo na walang malay at may gusto nang iba.

Narealize lang ni Jersey yung ginawa nya right after she broke the kiss. Si Marlo, ayun, halos namutla sa sobrang kaba at gulat. Natakot sya sa magiging resulta nitong kiss na'to. Kung kelan ba naman medyo nagtitiwala na sa kanya si Kevin tsaka pa ganito ang nangyari. Kung kelan naka-move on na sya at nakilala nya si Blanche.. ngayon pa 'to ginawa ni Jersey.

"W-what was that for?" yan lang ang tanging nasabi ni Marlo after seconds of silence.

Nakayuko lang si Jersey, na naiiyak. Sh*t. ANO NA NAMAN TONG GINAWA NYA!?!? OKAY NA SILA NI KEVIN TAPOS ETO!!?!?

Hindi na nya sinagot si Marlo. Binitbit na lang nya ang gamit nya at tumakbo palayo.

Ni hindi na sya nakapagsorry.

Bakit?

Kasi may maliit na parte sa puso nya, maliit na parte na.. na..

natuwa sa nangyari.

She.. kinda liked it.

--

Magkahiwalay na flight ang kinuha ng dalawa. Nagpalipat si Jersey sa mas maagang flight kesa sa unang nareserve nila ni Marlo. Nang malaman 'to ni Marlo, umisip na agad sya ng excuse kay Jicker kung sakaling magtaka ito kung bakit sila hindi magkasama sa flight pabalik.

Buong araw nyang inisip kung anong dahilan at hinalikan siya ni Jersey. Hindi nya kasi nakita yung picture. Masyado nga kasi syang occupied sa shots nya. Ano yun, napagtripan lang ni Jersey? O di kaya tinetest lang sya ni Kevin? No, Kevin won't do that to test him. Ni lumapit nga kay Jersey galit na galit na sya, halikan pa kaya nya? Tsaka sobrang labo naman kung si Jersey ang gagawa ng test na yun. Sobrang mahal nya si Kevin! Hindi nya kayang sirain yung trust na binigay sa kanya for the second time para halikan lang siya. They've been through a lot, why risk it for just a stupid kiss?

Hanggang sa pagtulog iniisip pa rin ni Marlo kung bakit ginawa yun ni Jersey. Takot na takot syang umuwi ng Pinas dahil dun.

The Despicable Guy Book 2Where stories live. Discover now