TDG Special Chapter // 6

141K 1.8K 356
                                    

AUGUST

"ANG OA MO NAMAN! I CAN DO THIS!!"

"AY NAKO WAG BA BABAYARAN NA LANG KITA TEH!! BAKA MAMAYA MASTRESS KA PA DARAGIN PA AKO NG ASAWA MO!!"

Sumama ang tingin ni Jersey kay Jicker na kasalukuyang binibitbit ang gamit para sa photoshoot nila kay Blanche. Since malaman ng barkada na buntis sya, todo ingat sila sa kanya as if delikado ang pagbubuntis nya.

"Ano ba Jick

okay lang ako! Wag ka ngang OA dyan!!"

"Ako na bahala dito, Je. Isipin mo na lang kung pano mo kami kukunan. Now go!"

No choice si Jersey kundi sumunod kay Jicker. Nakakatakot kasi talaga 'to pag seryoso kagaya ngayon. Nandito sila sa Tagaytay para sa pictorial. Susunod din naman si Kevin sa kanila maya-maya, dumaan lang ito sa Leinz para kamustahin ang garden of flowers ni Jersey.

Okay naman ang shoot, kahit may pagkabitchesa sina Jicker at Blanche sa isa't isa. Bentang-benta naman kay Jersey ang pag-aaway nila. After ng shoot pa dumating si Kevin at sinundo ang asawa.

"Kamusta shoot?" tanong ni Kevin nang makasakay si Jersey sa kotse.

"I'm dreading to wear those preggy jeans again. Ayoko na talaga maulit yon," reklamo ni Jersey. Nang tumingin sya sa backseat nakita nya ang isang basket ng red roses. "Aawww ang cute! Thank you, love!"

"Sabi ko sa'yo may silbi yang garden. Dati tinatawanan mo lang yan." "Naeexcite ako sa kasal, swear. Ilang buwan na lang oh!"

"Mas excited kami ni Atom na malaman kung lalaki o babae yang si Baby," may certain flicker sa mga mata ni Kevin. "I'm betting it's a girl."

"How'd you know?" "Kasi ang panget mo?"

She punched his arm. "I hate you. Pero I feel this is a girl. Naeexcite ako na ewan! At last may mabibihisan na ako!!"

"Sige yan lang isipin mo ah. You know what I think?"

"Ano na naman? Na kamukha mo na naman yung baby? Naumay naman ata ako sa itsura mo."

He shook his head. "No no.. Kung babae man yan.. maganda yan. Kasi maganda ang mommy nya."

That made her blush. "Shut up."

"Pero syempre mas lulutang ang awesome genes ko, you'll see." Napailing na lang si Jersey. Not again!

The Despicable Guy Book 2Where stories live. Discover now