TDG Book 2 - Chapter 22

132K 1.4K 186
                                    

TDG Book 2 - Chapter 22

(A/N: As of this time, 82 votes na ang Chapter 21 kaya sinimulan ko na ang Chapter 22. Mukhang mahaba-haba tong 22! Wala lang. Balik LB na kasi kaya hahabaan ko na to. Medyo matatagalan kasi akong mag-update. Sana worth it to! :PP)

PREVIOUSLY

---

(Kevin's POV)

Dati naniniwala ako na exes can be friends after a break-up (exception dito yung sobrang lala ng break-up ah). Well, ano namang masama kung magiging magkaibigan ang former lovers? Mas okay nga yun e, at least nakakapag-usap sila ng matino!

Pero t@ngina, hindi lahat ng ex couples e pinagpala ng ganung set-up. Tama nga si Dr. Margie Holmes at kung sino mang professor namin ni Jersey nung SOSC3 namin nung college: pag nagbreak, maglayo muna. Let time heal all wounds.

Akala ko madali lang to. Nung highschool naiinis ako sa mga kaklase ko na pinaglalayo yung mag-ex. Dahilan nila, pano raw sila makakamove on kung palaging magkasama blahblahblah. Ah ewan! Highschool naman kasi nun, immature pa.

San ba ko papunta sa pinagsasabi ko? Gets nyo naman ang point ko diba? Ang nakakatawa nga, pinaglalayo nila ang mag-ex. Pero sa case namin ni Jersey? Lalo pa kaming pinaglalapit. Magkasama pa nga kami sa iisang bubong e!

At may isang taong skeptical sa set-up na yon.

"That is such a bad idea," sabi sakin ni JM. Actually pangatlong beses na nya saking sinasabi yan sa loob ng 1 & half hour. I know, every 30 minutes. Tuesday merienda ang set-up naming dalawa.

Ako: Yun nga ang di ko maintindihan sa'yo. Okay naman sina Amae sa set-up namin. Ikaw lang ang hindi!

JM: Exes shouldn't be roommates, bro.

Ako: Pakiexplain nga kung bakit?

JM: At kayo pa ni Jersey ang roommates! Nako, bad combination.

Ako: T@ngina bakit nga!!!

JM: Hala wag kang magalit! Sakin lang to ha, no offense kina Amae or what. Ang akin lang, kakabreak mo lang kay Tracy, tapos ngayon nasa iisang bahay lang kayo ng ex mo, which is frankly in my opinion your greatest love. See? Baka gawin mo lang rebound si Jersey pag nagkataon.

The Despicable Guy Book 2Where stories live. Discover now