- 1 : K -

914 32 19
                                    






• ────── ✾ ────── •

K A L A Y A A N

{ Reinart x Agatha }

• ────── ✾ ────── •



Kaya minamahal ko siya...

...ay hindi dahil sa kanyang ganda.

Ang mga labi niyang kulay rosas at mga matang nangungusap. Ang kanyang buhok na mukhang malambot sa aking hawak at ang balat niyang kulay kape. Ang hubog ng kanyang katawan at eleganteng pagdadala sa sarili—Hindi. Hindi ang mga iyon ang dahilan kung bakit nabihag niya ang puso ko.

"Maligayang pagdating sa aming kaharian, Ginoong Reinart," bati niya sa isang boses na mabait, patunay ng lambot ng kanyang puso. Inabot niya ang kanyang kamay.

Napigil ang aking paghinga. Hinawakan ko ang kanyang kamay na maliit sa akin. Natakot akong sa isang sandali'y malaman niya kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko ngayon. "Salamat."

Narito ako sa Khragnas para sa isa nanamang diplomatikong pagkikita. Mula noong matapos ang digmaan sa Timog ay nagkaroon na ng alyansa sa pagitan ng tatlong kaharian. Ang mga Isla, Meriga at Khragnas. Nalaman kong nagtapos ang digmaan dahil inalok ni Agatha ang kanyang mana upang mabayaran ang utang ng mga Isla. Kung ginawa niya ito para sa kapatid niyang si Nicolo ay hindi ko na itinanong, gayundin kung bakit pinili ng Emperador na panatilihin ang titulo ni Agatha bilang Gobernador ng Khragnas.

Tahimik at payapa na ang mundo. . . at ang mga pinuno ng tatlong kaharian ay nasa simula pa lamang ng kanilang pamamahala.

Si Rowan, kasama ni Ninette, ay ipinasasaayos na ang kanilang lupain.

Ako naman ay patuloy na nagsusumikap na makuha ang tiwala ng lahat sa aking korte. Maaaring iniluklok ako ng Konseho bilang Hari, ngunit hindi lahat ay sang-ayon dito. Kaya ngayon, ibinaon ko ang sarili ko sa pagtatrabaho.

"Bakit ba ako ang nais niyong magpunta doon? Maaari ko namang ipadala ang ambasador natin sa Khragnas tutal marami na akong trabaho!" unang sabi ko noong pinipilit ako ng aking tagapayo. Si Floren.

Ngumiti lamang ito—ang matandang inatasan sa aking tabi. "Kamahalan, kayo ay isang binatang nasa hinog nang gulang. Dapat ay humanap na kayo ng binibining inyong pakakasalan upang matahimik na ang mga sumasalungat sa inyong pagiging Hari."

Namula ang aking mga pisngi. Wala pa kasi doon ang aking utak. Ayoko pa sanang maghanap.

"Balita kong katangi-tangi ang ganda ng prinsesang gobernador nila sa Khragnas. Bakit hindi niyo siya kilalanin?"

Dahil doon, nagkagulo na rin pati ang utak at puso ko.

Nang makarating kami sa malawak na opisina ni Agatha ay pinaupo niya ako sa isang mahabang couch. Sumisilip sa mga malalaking bintana ang araw at amoy sa hangin ang tagsibol. "Napakaganda naman ng iyong hardin. Puno ng bulaklak, hindi tulad sa Meriga."

Paraisla iii: KalayaanWhere stories live. Discover now