- 3 : #Christmas Special -

125 7 5
                                    









• ────── ✾ ────── •

K A L A Y A A N

{ Christmas special Pt. 3 }

• ────── ✾ ────── •



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



• ────── ✾ ────── •

e u g h

• ────── ✾ ────── •



Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng tren habang mabilis itong naglalakbay tungong Rena. Inaalala ko ang mga naganap kanina. Ang lahat-lahat.

"Eugh, may sasabihin din pala ako."

Ang mukha ni Eris nang sinasabi niya iyon. Ang kaba na nadarama niya.

"G-Gusto mo pa ba ako?" tanong niya. At hindi ako makapaniwala. "Kasi...Kinakain ko na ang sinabi ko noon. Nung nawala ka, napag-isip isip ko na hindi ko gustong mawalay sa'yo. Hindi ko kayang wala ka, Eugh. Hindi ako masaya."

Bakit ngayon pa?

"Eugh, nalaman kong gusto rin kita. Gusto kita, at patawad kung hindi ko 'yun napagtanto ng maaga. Patawad, pero ikaw ang—"

"Eris."

Bakit?

"Pasensya na."

Bakit, Eris?

"Pero hanggang kaibigan na lang kita."

Ngayong pinakawalan na kita.

"Nakahanap na ako ng iba. May nobya na ako, Eris."

Paraisla iii: KalayaanWhere stories live. Discover now