- 4 : A -

587 21 25
                                    






• ────── ✾ ────── •

K A L A Y A A N

{ Adam + Haki }

• ────── ✾ ────── •



At kami'y sumulong.

Kahit pa may masasamang ala-ala sa aming likod, hindi na kami tumingin pabalik. Dala ang aming mga maleta ay sumakay na kami sa tren papuntang Meriga para sa aming maikling bakasyon. Nagsalita si Haki, "Hindi ba ako masusuka dito? Sabi nila'y sobrang bilis daw nito." Nilagay niya ang bag sa isang kompartamento sa taas ng upuan.

Ngumiti ako. "Wag kang mag-alala. May kasama ka ngang doktor, di ba?"

"Oo nga pala," tawa niya at nilanghap ang hangin ng tren. Malamig ang loob at amoy ang pagiging moderno. "Ah, kahanga-hanga talaga ang teknolohiyang Merigan. Di magtatagal ay makakaimbento na rin sila ng mga lumilipad na sasakyan."

Tumingin ako sa paligid habang patuloy na nakikipagdaldalan sa'kin si Haki at nakita ko ang masasayang mukha ng mga bata at matatanda na ngayon lang makakapunta sa Meriga—ang bansang aming kaibigan. Nakaramdam ako ng init sa aking dibdib. Matagal na nung huli akong nakauwi. Ngayon ay makikita ko na din ulit ang aking sariling lupa.

Kahit na wala nang naghihintay sa aking pagbabalik.

Nang umandar na ang tren ay pinanood namin mula sa bintana ang paglusong nito sa lagusan pababa sa ilalim ng karagatan. Nanginig si Haki sa realisasyon na naglalakbay kami sa ilalim ng tubig at ako'y natawa na lang. Ilang oras pa ay naisipan kong magbanyo. Nagpaalam ako kay Haki at tumungo sa likuran ng tren. Ngunit sa daan ko ay isang naka-wheelchair na babae, nakatalikod sa'kin at tila may inaabot sa sahig. Inikutan ko siya at nakita ang isang libro—iyon pala ang kanyang pilit inaabot.

"Ito oh," sabi ko habang nakaluhod at inaabot sa kanya.

Hinawi niya ang buhok niya at tumigil ang oras. Ngumiti siya at hindi ako makapagsalita dahil—dahil—ang mukhang iyan ay...

"Maraming salam—Aah!"

Nasalo ko siya sa isang yakap nang malaglag siya sa wheelchair. Kaybango niya—amoy ng vanilla at cotton candy. Kumabog ang puso ko. "A-ayos ka lang ba?"

"Oo, um, ano...Pwede mo ba akong tulungang makaupo?"

At dahil doktor ako, nagkaroon ako agad ng pagtataka sa kalagayan niya. Nilagay ko ang libro sa kanyang mga hita at nagpiga ng mga kamay. Ngayong maayos ko na siyang natitingnan ay nahimasmasan na ako. Kamukha niya si Henrieta sa unang tingin ngunit ngayon ay nakikita ko na ang pagkakaiba.

"Maraming salamat...um, anong pangalan niyo ginoo?" tanong niya.

"Adam. Isa akong doktor," pakilala ko.

Lumiwanag naman ang mukha niya. "Isa kang doktor? Pupunta ka ba ng Meriga para magtrabaho?"

"Ah, hindi. Magbabakasyon ako. Ikaw?"

Paraisla iii: KalayaanWhere stories live. Discover now