- 3 : L -

551 28 57
                                    






• ────── ✾ ────── •

K A L A Y A A N

{ Kiel + Sanra }

• ────── ✾ ────── •


Lahat.

Kaya niyang gawin lahat. Makipaglaban sa kahit anong armas, sagutin ang mga mahihirap na tanong, kahit ang mga simpleng bagay na paglilinis, pagluluto at pagtatahi. Hindi rin siya nagkulang sa pagiging gwapo at mabait sa lahat, siguro'y dahil na rin sa pagpapalaki sa kanya ni Reyna Ninette. Kahit na may mapaglarong ere sa kanya ay hindi nawawala ang eleganteng karisma sa kanyang bawat galaw. Lahat ng babae ay handang halikan ang kanyang nilalakaran o ialay sa kanya ang mga sarili kung gugustuhin.

Sa kabila ng lahat—atensyon, yaman, responsibilidad—ang tingin niya sa sarili ay kulang pa rin. Nais niyang pagbutihin pa lalo ang sarili at walang sawang inaaral ang lahat ng kaya niya. At ilan lang iyon sa mga magagandang katangian niya.

Wala na akong aalalahanin kung sinong magmamana ng trono ni Haring Rowan kundi si Prinsipe Kiel. Kaya naman, bilang knight niya, isa itong malaking karangalan.

"Ano naman ngayon ang binabasa niyo, Kamahalan?" tanong ko nang pasukin ang aklatan. Nakaupo sa isang sopa si Prinsipe Kiel, nakapatong ng elegante ang isang hita sa ibabaw ng kabila habang hawak ng isang kamay ang librong makapal.

Sumimangot siya sa'kin. "Sanra, diba sabi ko kapag tayo lang, tawagin mo 'kong Kiel?" Binalik niya ang tingin sa binabasa. "Tungkol 'to sa mga kabute at kung anong halaga nila at gamit."

Ginawa kong neutral ang mukha—hindi alam kung anong unang sasagutin. Ang nais niyang kaswal kong pagtawag sa kanya sa pangalan o dahil mga kabute ang kanyang pinag-aaralan. Pinili ko ang nauna. "Pero hindi talaga ako komportable sa pagtawag sa inyo ng ganun."

Kahit noong nasa Kahalili pa ako ay tinatawag ko ang mga nakakataas sa'kin sa command ng mga titulo nila. Maliban kay Kuya Earl—Pinunong Earl na ngayon sapagkat Pinuno na siya ng Konseho.

"Alam mo bang ginawa 'to noon nina Ate Eufy at Kuya Yohan?" Isang malungkot na ngiti ang umupo sa kanyang labi. Inaalala nanaman niya siguro ang nakaraan. "Sabi ni Kuya Yohan, naging mas malapit ang relasyon nila dahil sa pagtanggal ng pormalidad. Sa tingin ko, gagana din iyon sa'tin Sanra."

Yumuko ako agad. "Masyado ko kayong ginagalang para—"

Tinawanan ako ng prinsipe ngunit hindi ako nainsulto kahit na ilang taon ang tanda ko sa kanya. Lumambot lang ang puso ko para sa kanya. Dahil isang taong gulang lang ang tanda niya sa kapatid kong si Suna ay tinuturing ko na rin siyang nakababatang kapatid. "Hinihiling ko iyon, Sanra." Tumingin siya sa'kin at puno iyon ng emosyon. "Nawala sa'kin si Kuya Yohan. At ngayong nagkaroon akong muli ng katulad niya sa tabi ko, gusto kong..."

Nagkaroon ng bara sa kanyang lalamunan at alam kong pinipigil pa rin niya sa abot ng makakaya na pigilan ang mga luha. Hindi dahil sa kahinaan ang tingin niya sa pag-iyak kundi ginagawa niya ito dahil kapag nakita siya ng Reyna na umiiyak ay iiyak na din ito. Lahat ng lungkot na kinulong nila sa pagkawala ni Kuya Yohan at ni Prinsesa Eufy ay bubuhos na parang nabasag na baso. At hindi iyon maganda sa morale ng kaharian.

Paraisla iii: KalayaanWhere stories live. Discover now