Chapter 20 . Wish

12K 216 14
                                    

*Ryle POV*


"Ryle, ano ba? Tumayo ka na nga diyan." pilit akong pinapabangon sa kama nitong mga taksil kong kaibigan. 


Pagkarating namin sa isang resort ay agad akong bumaba ng kotse. Everyone was looking at me, of course naka pajama pa ako. Napabuntong hininga nalang ako non at pumasok sa sinabi nilang villa namin. Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto at nagtago sa kumot.

"Ryle.. ano ba naman yan? Wag ka ng magalit" Rinig kong saad ni Sab. Kahit naka takip ng kumot ay umupo ako.

"Hindi niyo man lang ako binigyan ng chance maligo? Grabe ah, tignan niyo nga tong buhok ko, parang kinalkal ng manok. Tignan niyo tong makeup ko.. nakakahiya!" saad ko sakanila at humiga ulit. Pinalo naman ako ni Tin sa braso kaya napadaing ako.

"Ang sakit ah!" sabi ko at humarap na sakanila. I can't clearly see them because of the blanket.

"So Ms. Ryle Sofia Harris.. ang pinuputok pala ng butsi mo ay yung hindi ka nakapagpaganda?" Saad ni Ailee at tumawa silang tatlo.


Biglang tumigil ang tawanan nila. Mukhang iniwan na nila ako.. pag kaalis ng talukbong ko. Halos gusto kong mag talukbong ulit.

"Go out" sabi ko sakanya pero mukhang umupo pa siya sa kama ko.

"What happened with your makeup?" tanong niya habang nakangisi.

"Mr. Luke Scott, for your information.. this is all your fault. Dahil late na ako nakauwi kagabi, I forgot to remove my makeup" sabi ko sakanya pero naka ngisi pa rin siya. He looks so amused.

"Alam ko .. nakakatuwa akong tignan well let me correct that, it's more like nakakatawa than nakakatuwa, see the difference? Labas ka na nga" sabi ko sakanya at pinagtulakan siya. Bigla niya nalang akong yinakap. Namilog ang mata ko dahil doon.


Bumigay nalang ako at yinakap din siya. Hnilig ko ang ulo ko sa balikat niya. I missed his warmth. My heart was beating so fast. Kahit magkalapit kami ay parang excited pa rin ako na nandyan siya.

"It's good that you're back.. I mean your memories, your attitude, being nosy, irritating.. they are back." Wika niya. Natawa ako dahil sa sinabi niya.

"Thanks." Kumalas ako ng yakap at ngumiti sakanya.

"Go take a bath, you smell- bad" sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Napanganga ako doon at pumikit ng mariin.

"LUKE SCOTT! Humanda ka!" sigaw ko at narinig kong nagtawanan ang mga tao sa labas. Ano toh? nakikinig ba sila?!


*Tin POV*

Nasa may harap ako ng dagat ngayon at nakatingin sa sunset. Late na kami nakarating sa resort dahil mahaba ang byahe. Huminga ako ng malalim.

"Nag reready na sila for dinner." Napalingon ako ng bahagya sa nagsalita sa likod ko.

"I know.. papasok na rin ako niyan" sabi ko sakanya at tinabihan niya ko.

"Hindi ako makapaniwala na maayos na ang lahat." sabi ko sakanya habang tinitignan ang lumulubog na araw.

"Me too.. akala ko wala ng katapusan ang lahat" Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"Asus! si Charles Stanly? Ganyan ang pananaw. Akala ko ba ang motto mo sa buhay -- Girls are my happiness?" pamumusit ko sakanya. 

Nanlaki ang mata niya pero umiwas siya ng tingin. Bigla siyang nag smirk at tumingin sakin.


"Why? are you jealous?"halos mabilaukan ako. Bigla ko siyang tinignan ng masama.

"No! Of course not. Why would I? So kapal" sabi ko at nag roll eyes.

"Its weird" aniya kaya kumunot ang noo ko.

"What?" tanong ko sakanya. Nag simula ng magdilim.. nakatingin nako sa langit.

"Bumabalik na sa dati ang lahat.." Yeah.. nakaka-overwhelm ang mga bagay bagay.

"What is weird about that?" tanong ko sakanya. Tumingin siya sa akin at nag smile.

"Nevermind. Lets go?" tanong niya sakin at linahad ang kamay niya sakin, kinuha ko naman yun at sabay kaming nag lakad pabalik sa cottage.


Bahagya akong lumingon muli at napangiti sa lumubog na araw.



*Sab POV*


Nasa may veranda ako ngayon, kakatapos lang namin na kumain.. Nakaupo ako sa swing habang pinagmamasdan ang langit.. para kasing kakaiba, napakapayapa ng lahat. Bigla akong may nakitang dumaan na shooting star. I closed my eyes and wished, alam ko na maybe hindi totoo na pag nagwish ka.. matutupad pero wala namang mawawala diba.

Biglang may naramdaman ako na nagsuot ng necklace sakin. Dinilat ko ang mata ko at nakita ko ang isang infinity pendant.

"So.. anong ni-wish mo?" napatingin ako kay Nico. I smiled at him.

"Hiniling ko na sana.. magtuloytuloy na to. Pero sa ngayon wala nakong mahihiling pa. Ngapala, para saan tong necklace na to?" tanong ko sakanya at humiga siya sa lap ko.

Nakaramdam ako ng kiliti sa tyan ko.


"Well actually my mom gave it to me and she told me to give it to someone that is special to me" Saad niya. Lalong lumawak ang ngiti ko dahil doon.

"Thanks.."sabi ko sakanya.. pinikit naman niya ang mata niya.


"Now I believe that wish do come true.. as long as it came from the heart" sabi ko habang nakatingin sa langit.



*Ryle POV*


Pupuntahan ko sana si Luke pero may narinig akong umiiyak sa isang kwarto. Binuksan ko ito at natigilan ako.

"Ailee?" nakita kong umiiyak si ailee sa kwarto niya.

"Ryle" tinignan niya ako habang may tumutulong luha sa mata niya. It breaks my heart to see them like this.

"What happened?" tumakbo ako sakanya at yinakap siya.

"My heart is so confused.. may ina-arrange ang mom ni Renzo sakanya, I thought I should be sad because I should be liking him pero.. hindi eh. Mababaliw na ata ako." sabi niya habang umiiyak.

Ngumiti ako at yinakap siya.

"No.. you can do this. Hanapin mo sa puso mo ang katotohanan." sabi ko pero umiling nalang siya at tumakbo sa banyo. 


Dumeretso ako kay luke. Napangiti pa ako ng makita ko siya.


"Luke?" kinuha ko ang atensyon niya.

Nakaramdam ako ng kiliti sa puso ko nang mabilis siyang tumingin at ngumiti sa akin.


"Yes?" linapitan niya ako at agad na kinuha ang kamay ko.

"I need your help" sabi ko sakanya. Kita ko ang pagtataka sa mata niya.

"Of course.. what is it?" tanong niya sakin.

Bumuntong hininga ako at linagay ang braso ko sa balikat niya.


"We will kidnap someone." namilog ang mata niya at lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.

Book 2 : Forget The Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon