Chapter 30. Camping

11.7K 208 6
                                    

*Ryle POV*


Paano kaya kung hindi nangyari ang mga nangyari dati? Masaya kaya kami ngayon? Kasal na kaya kami?

Ayokong mabuhay sa what ifs.


"Oh? Anong nangyari sayo?" biglang pumasok yung tatlo sa kwarto ko.. hindi kasi ako pumasok sa office ngayon. 

I can't even think properly paano ako magta-trabaho. 

Luke was invading my whole mind since yesterday. He shouldn't be here inside my head pero nandito siya.


"Wala naman.. masakit lang ulo ko." sabi ko sakanila at ngumiti para hindi na sila mag-alala.

"Sus.. masakit ulo? Ikaw? Sasakit ang ulo?" hirit ni sab bigla. Anong akala nila sa akin? Tao din naman ako. Peor ayoko ng makipag argue tungkol doon.

"Oo nga.. but thanks sa concern guys" sabi ko at ngumiti nalamang. 

Kumunot ang noo ko dahil sa klase ng tingin nila sa akin.

"Bakit?" tanong ko sakanila.

"Parang hindi ka nakatulog?" tanong ni tin.

Napabuntong hininga ako sa mga sinasabi nila. Pakiramdam ko tuloy may alam sila, gusto lang nilang manggaling ito mula sa akin.

"Masakit nga kasi yung ulo ko" sagot ko sakanila.

"Fine.. we believe you. By the way, sama ka sa camping namin." sabi ni ailee.

"Camping?" tanong ko.

"Oo.. camping, ibig sabihin aakyat tayong bundok at mag cacamp" sabi ni Sab at tumawa. Binatuhan ko siya ng unan kaya natawa kaming lahat.

"Baliw.. alam ko yun! Kailan naman?" tanong ko habang yakap ng mahigpit ang unan ko.

"NGAYON!" sabi nilang tatlo sabay takbo.. si Sab kinuha yung big bag ko at kumuha ng mga gamit ko sa desk ko, si tin naman kumuha ng damit, at si Ailee naman, inayos yung mga dapat ayusin sa loob ng bag ko kasi pinagbabato nalang ni Sab.


Napaawang ang labi ko sa mga ginagawa nila. 

"LET'S GO GUYSSSS!" sigaw nila sabay hila sakin palabas at tulak sakin sa kotse nila.

What the heck? Kaibigan ko ba talaga sila? Sobrang nanglalata ako para makipag-away pa.

"Wait! Hindi pa ako nakakapag paalam" sabi ko sakanila pero ngumiti lang sila.

"Nagawa nanamin yan, don't worry" sabi ni Tin at pinaandar na ni Ailee ang kotse.


Wala na akong nagawa kundi umupo nalang ng maayos sabay kuha ng earphones ko at nakinig sa music at pumikit.

Masyado silang planado para tutulan pa.



"ANDITO NA TAYO!" napabalikwas ako at nakita sila na pababa na ng kotse. Napahilamos ako sa mukha ko at inayos ang sarili ko.

Kinuha ko ang isang bag ko sa likod at bumaba na din.

"Hindi niyo nalang ako gini--" napatigil ako. Literal akong napanganga. I didn't expect this..


Kasama sila?

Buong gabi ko siyang iniisip at pilit inaalis sa isip ko tapos nandito nanaman siya para guluhin ang tahimik kong buhay? Nice!

"Hi Ryle" bati ni james sakin. Ngumiti nalang ako at napasuklay ng buhok.

"Ah.. hello" sabi ko at kinuha ang gamit ko sa sasakyan.

"Let's go!" sabi ni Ailee at masayang humawak kay James.

I can see that they are very happy.

"Yup.. its a long way to go" sabi ni Sab at humawak kay Nico. Si Charles ay kinuha ang gamit ni Tin at hinawakan 'to sa kamay.

Napatingin ako sa gilid ko.. nandito din siya.

Huminga ako ng malalim. Don't be affected! Please, Ryle.


"Shit!" bigla akong napaupo kasi natapilok ako. Pag minamalas ka nga naman! Nakakahiya! Nasa tabi ko pa siya.

"OMG! Are you okay sis?" nag aalalang tanong ni sab. Tumango ako at inayos ang bag ko.

"Ah oo naman-- shit!" sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya. Naiyukom ko ang mga palad ko. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin at ayoko 'yon. 

"Paano niyan?" tanong ni Ailee.

Napakagat ako sa labi ko at sinubukan ulit tumayo pero namimilipit lang ako sa sakit.

"Sumakay ka nalang sa likod ko" nagulat ako.. nagsalita si Luke.

Umupo siya sa harapan ko at hinarap ang likod niya sa akin.

"Ah.. hindi na. Kaya ko naman eh."sabi ko pero kinuha niya ang isang bag ko.

"Sakay" sabi niya.. wala na akong nagawa kasi alam kong napipikon na siya. Kita ko ang pagtagis ng bagang niya at ang pagkunot ng noo niya.

Kinuha nila charles yung bag ko at tinulungan nila ako sumakay sa likod ni Luke.

Nag simula na kami ulit mag lakad..


Kinakabahan ako.. baka maramadaman niya ang pangangatog ng binti ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Baka malaman niya kung gaano kalaki ang epekto niya sa akin.


Habang buhat buhat niya ako ay nag-lalaro ang mga tanong sa isip ko. Mga tanong na kagabi ko pa iniisip.


Paano kaya?

Haaaay... this will be a long camping.

Book 2 : Forget The Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon