Entry #2

35.7K 1.3K 172
                                    

July 25, 2016. 4:58 PM

Sinisi niya ako.

Napagod daw siya. Napakademanding ko daw. Sobrang clingy na daw ako.

Tangina. 4 years kami eh. Ngayon lang siya napagod? Ngayon lang siya nagreklamo? Bullshit. Sinungaling.

Nakita ko sila ni Maya, yung 'bestfriend' ko. They were kissing sa likod ng school 1 month before makipagbreak sa akin si Allen. Bullshit talaga. Akala ba nila hindi ko sila nakita?

Looking back, napansin ko na sa tuwing magkasama nga kami ni Allen, palaging nandoon si Maya. Okay lang naman sa akin since bestfriend ko siya. Hindi ko napansin na kaagaw ko na pala siya sa atensyon ni Allen.

Running for cumlaude ako. Consistent dean's lister. Kaya hindi ako tanga. Napansin ko lahat yon.

Alam niyo kung ano yung pinakamasakit sa lahat? Handa ko namang piliin yung bestfriend ko kaysa kay Allen eh. Pero hindi ganon yung bestfriend ko eh. Clearly, mas pinili niya si Allen.

Ngayon, wala na nga akong boyfriend, wala na rin akong bestfriend.

- Monalisa

P.S. Ang buhay ay parang gubat. May mga ahas.

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon