nEntry 43

12.3K 431 7
                                    

February 05, 2017. 10:43 PM.

Sa tuwing may makikita akong mga Nursing students sa school, minsan iniisip ko kung isa ba sa kanila si France.

Pasimple kong tinitignan yung maliit na nametag nila na naka-pin sa mga uniform nila. Pero wala akong nakikitang may pangalan na France. Nagdududa na tuloy ako.

Totoo kaya ang mga sinabing impormasyon ni France tungkol sa kanya?

Pero maiba tayo. Kaninang paglabas ko ng school, nakita kong nag-aaway si Allen at si Maya. Hindi ko maitago yung saya ko.

Unti-unti ko nang nakakalimutan silang dalawa pero matutuwa pa rin ako kapag naghiwalay sila. Kasi kung mag-isa ako, dapat mag-isa lang rin si Allen at Maya.

Selfish na kung selfish pero ang unfair lang kasi talaga na ako lang ang nasaktan.

Kinuha na pala ako ng Cebu Pacific para mag-OJT sa kanila. Sa NAIA 3 daw nila ako ilalagay para magtraining. Excited na sana ako kaso kailangan ko pala munang unahin ang mga paper works at finals exam :(

- Monalisa
P. S. Ganito rin kaya ka-busy si France?
P. P. S. Bakit kaya nag-aaway sila Allen at Maya?

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon