January 28, 2017. 11:10 PM.
Kapag nakasanayan mong gawin ang isang bagay, maninibago ka kapag bigla mo itong itinigil gawin.
Ilang araw na simula 'nong huling pag-uusap namin ni France.
Ang gara nga eh. Hindi pa kami pormal na nagkikita. Sa sulat at email lang kami nag-uusap. Pero bakit feeling ko nawalan ako ng matalik na kaibigan?
Hinahanap-hanap ko yung mga email niya sa akin tuwing gabi.
Ano kayang ginagawa niya ngayon? Ano kaya itsura niya? Bakit kaya hindi ko mahanap ang Facebook niya? Bakit kaya wala akong mahanap na 'France' sa College of Nursing?
Nursing ba talaga ang course niya? France ba talaga ang pangalan niya? NAG-EEXIST BA TALAGA SIYA?!
Kinilabutan ako bigla. Baka multo siya?
Aish. Kung ano-ano na ang iniisip ko. Magfofocus nalang muna ako sa paghahanap ng kumpanya para makapag-OJT.
Hanggang dito nalang muna ang isusulat ko. Maaga pa kasi ako gigising bukas. Paalam.
- Monalisa, 19
YOU ARE READING
Where Do Broken Hearts Go?
Teen FictionShe and her diary. He and his handwritten letters. Two brokenhearted strangers. One faithful meeting. How do you unlove someone? How do you move-on? And lastly, Where do broken hearts go?