Entry 82

8.4K 320 3
                                    

November 25, 2018 | 03:00 AM

Oo, Diary, gising pa rin ako hanggang ngayon.

Kailangan kasi namin matapos yung Chapter 4 ng thesis namin kaya puyat nanaman ako. Nabibilisan ako sa mga nangyayari ngayon. Ang dami naming ginagawa. Bukod sa thesis ay may feasib pa kami. Magkaibang topic, magkaibang prof.

Kung nagtataka ka, hindi ko pa rin nirereplyan si France. Pero online na ako sa mga social media accounts ko. Hindi ko lang talaga binabasa ang mga messages niya.

Hindi na ako galit. O naiinis. O naguguluhan.

Ang awkward lang kausapin siya dahil naiimagine ko palagi yung kuya ni Maya. Hindi ko rin alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Kung bakit ko ba siya iniiwasan.

Pero hindi naman yon ang mahalaga ngayon. Ang mahalaga ay yung school works ko. Tama? Tama!

- Monalisa

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now