Entry #9

21.9K 907 25
                                    

August 12, 2016. 4:50 PM.

Ayon sa Greek Mythology, noong sinaunang panahon daw, ang tao ay may dalawang mukha. Isa sa harap at isa sa likod. Apat ang kamay at apat ang paa. Dahil natakot si Zeus na baka maging mas malakas sila sa kanya, pinaghiwalay niya ito into two separate beings na may tig-isang mukha nalang at dalawang kamay at paa gaya ng itsura natin ngayon.

Dito nagsimula ang concept ng soulmates. Soulmates daw yung two separate beings na 'yon. Literal na other half.

Apat na taon akong nasanay na si Allen na yung other half ko. Yung soulmate ko. Akala ko talaga siya na.

Kaya pala maraming tao ang namamatay sa maling akala. Sobrang sakit kasi nung maling akala ko. Nakakamatay.

Anyway, ilang araw na akong nadalaw sa library. Hindi na yata sasagot si France sa sulat ko. Baka wala naman siyang pake kung nagalit ako kasi binasa niya diary ko kaya di na sumagot?

Well, ano pa ba ang bago? Sanay naman akong binabalewala.

- Monalisa

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon