Wasak na, Winasak pa.

36.5K 149 17
                                    

"WASAK NA, WINASAK PA."
Ni: Jaye Knight

Ang pagdampi ng mga labi natin sa isa't isa.
Pakiramdam ko ay ayaw ko nang kumawala.
Ang mahigpit mong yakap. Sa gabing madilim para akong nasa alapaap.
Ang mga titig mong ako'y halos matunaw. Nakaka lusaw.

Ang mainit mong hininga tuwing bumubulong ka.
Kinikilig ako, tuwing ibinubulong mo sa aking "mahal kita."
Mahal na mahal kita.
Kaya nga ikaw ang nagsilbing rasyon ng ligaya.
Yung puso ko noong halos mamatay na, pinulot mo, inalagaan, pinahalagahan at pinaligaya.

"Ang saya saya." Araw-araw kong sinasabi sa sarili.
Sa pagkat alam kong pag-mamahal mo sa aki'y nanatili.
Kaya nga't may dahilan akong gumising araw-araw.
Hindi katulad noon, halos para akong patay na nilalangaw.

Pag gising ko sa umaga, alam kong ikaw ang una kong makikita.
Alam kong ikaw ang unang magbibigay ng ngiti sa aking labi at mga mata.

Hanggang ngayon pagmamahal mo'y ramdam ko pa.
Hanggang ngayon ang yakap mo't halik ay sariwang sariwa pa.

Grabe, hanggang ngayon naalala ko pa.
Alalang alala ko pa lahat ng masasayang ala-ala.

Lahat ng pinagsamahan.
Sa saya man, at lalo na sa kalungkutan.

Di ko malilumutan noong sinabi mo sa aking...

"Ayoko na."
"Tama na."

Sabi ko nga sayo...

"Bakit? Pero mahal kita."

"Yun na nga eh. Mahal mo ako. Pero paano na ako? Hindi na ikaw ang nilalaman nito."

Halos gumuho ang mundo ko. Matapos mong sabihin ang mga katagang wumasak sa pagkatao ko.
Ang buong akala ko, ako parin. Iyon pala liliparin lang ito ng hangin.

Ang pagpulot mo sa puso kong wasak. Akala ko'y aalagaan at pagpapahalagahan.
Paglalaruan din pala at gagalusan.

Buti nga kung galos lang. Pero konting-konti nalang di ko alam kung malapit na sa huling hantungan.

Parang kailan lang.. alalang-alala ko pa.
Salamat dahil ika'y nakilala, para lang maging isang ala-ala.

PETALS & PAGES: A Spoken Word Poetry CollectionWhere stories live. Discover now