Basta Lalaki, Manloloko.

421 0 0
                                    

BASTA LALAKI, MANLOLOKO.
Spoken Words by: Jaye Knight

Marami na ang nakapagsabi sa akin, lahat raw kaming mga lalake ay manloloko.

Siguro narinig mo na 'yon sa kaibigan mong paulit-ulit nasaktan at nagpakabobo.

Maaaring naging paalala na ito sa'yo ng mga magulang mo?

O 'di kaya naman ikaw mismo ang nakasaksi nito. Pero sigurado ka ba sa mga akusasyong ito?

Hindi mo ata alam na lahat ng panloloko ay may malalim na dahilan.

Maaari yang maging tukso, kawalan ng tiwala, at pwede rin namang sariling pagkukulang.

Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?

Isiping mabuti kung anong pwedeng dahilan...

Baka masyado kang naging mahigpit?

Sa sobrang higpit, hindi ko na alam kung ako ba ay dapat pang kumapit?

Sa sobrang higpit, wala ka nang ibang alam gawin kundi ang iparamdam sa'kin na I'm good for nothing.

Sa sobrang higpit, tuwing nagagalit ka ay ako ang napagbubuhatan ng sisi.

Kulang pa ba ang lambing at halik? Kulang pa ba ang bulaklak at tsokolate?
Kulang pa ba ang oras ko?

Na sa tuwing lalapit ako sayo ay simangot ang iyong pasalubong at tila hindi mo naman sinasabi kung ano ang nagawa kong pagkakamali.

Kapag tinanong kita, "Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako." Ang sagot mo. Pero kitang-kita sa pagmumukha mo na ikaw ay dismayado.

Bakit ba ayaw mong pag-usapan? Bakit ba kailangan mong ilihim at ako'y pahirapan?

Hindi naman ako si Madam Auring para iyang hinaing mo ay hulaan.

Lalong hindi naman ako si google dahil kahit anong angot mo, wala-akong-alam.

Sasabihin mo, "Pagkakamali mo, di mo alam?"

Kailangan pa ba nating maghulaan? Imbes na ayusin ito at pag-usapan?

Kailangan pa bang humantong sa sigawan at sisihan?

Imbes na pakinggan natin ang isa't-isa upang malaman natin ang sarili nating mga dahilan.

Ang mga sarili nating katanungan.
Ang mga sarili nating teorya na pinagsisimulan ng tampuhan... hanggang sa tuluyan nang magkasakitan.

Hindi ka pa ba nagsasawa?
Hindi ka pa ba napapagod sa kakahanap ng pag-aawayan?

Sabi nga nila, kung hindi ka na masaya... dapat tigilan na.

Ngayon, tatanungin kita...

Kaya mo pa ba?
Kaya mo pa bang magtiwala?
Kaya mo pa bang magparaya?
Kasi kung hindi na.. kakayanin kong intindihin kung 'di ka na maligaya.

Sagutin mo lang ang tanong ko...

Masaya ka pa ba?
O gusto mo nang maging malaya?

PETALS & PAGES: A Spoken Word Poetry CollectionWhere stories live. Discover now